Advertisers
Inaasahang magbibigay ng malaking tulong sa pagpapalakas ng competitiveness ng economic zone ang pagbubukas ng bagong gate, ayon kay Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director-General Tereso O. Panga.
Ayon kay Panga, lalo nitong paiigtingin ang operasyon sa loob ng zone at magpapabilis sa daloy ng transportasyon ng mga sasakyan at pasahero. Dagdag pa rito, nagsisilbi rin itong panawagan sa iba pang sektor na makiisa at suportahan ang mga proyektong magpapabuti sa imprastraktura.
Bahagi rin umano ng mas malawak na plano ang naturang proyekto, kabilang ang mga inisyatibo tulad ng solar microgrid, na naglalayong gawing mas sustainable at episyente ang mga pasilidad.
Tiniyak naman ng mga kinauukulan na agad mararamdaman ang epekto ng bagong gate sa sandaling tuluyan na itong mabuksan, partikular sa mas maayos at mabilis na pagpasok at paglabas ng mga sasakyan.
Mayroon ding ipinatutupad na mga safety precaution upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at pasahero. Bukod dito, sapat din ang inilatag na security measures at presensya ng mga personnel upang mapanatili ang kaayusan sa lugar.
Nagpahayag ng mendahe si Director Panga sa mga manggagawa, na kinilala ang kanilang mahalagang papel sa patuloy na pag-unlad ng economic zone. Ayon kay Panga, ang mga manggagawa ang pangunahing dahilan kung bakit nananatiling aktibo at matagumpay ang operasyon ng mga establisimyento sa loob ng ecozone.
Sa kabuuan, inaasahan na sa pagbubukas ng bagong gate, makakamit ang mas maayos, ligtas, at episyenteng daloy ng trapiko sa loob ng economic zone.