Advertisers

Advertisers

Malakanyang itinanggi ang balitang ‘cabinet revamp’

0 5

Advertisers

IBINASURA ng Malakanyang nitong Lunes ang mga ulat ng umano’y pagbabago sa Gabinete sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kabilang ang mga haka-haka na maaaring palitan ang ilang opisyal.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na walang batayan ang mga kumakalat na tsismis, na idiniin na ang anumang pagbabago sa Gabinete ay nananatili lamang sa pagpapasya ng Pangulo.

“Unang-una, (Una sa lahat) I will always serve at the pleasure of the President,” tugon ni Castro nang tanungin sa kumakalat na balita sa pagbalasa na umano’y kasama siya doon.
“Pero sa fake news peddlers, abangan ang susunod na kabanata,” sabi pa niya.



Nang idiin sa mga ulat na nagmumungkahi na hanggang 10 miyembro ng Gabinete ang maaaring maapektuhan ng posibleng shake-up, nilinaw ni Castro: “Sa ngayon wala po .”

Ang Opisina ng Pangulo ay hindi pa naglalabas ng anumang pahayag na nagkukumpirma o tumatanggi sa anumang restructuring sa loob ng Gabinete.



Ang mga ulat ay dumating matapos magbitiw sa kanilang mga puwesto bilang National Security Adviser at Presidential Peace Adviser sina dating military chief Eduardo Año at Carlito Galvez Jr., noong nakaraang linggo dahil sa personal na dahilan. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">