Advertisers

Advertisers

BIR nagsampa ng tax evasion case vs Harry Roque, misis, associate

0 12

Advertisers

NAGHAIN ng reklamong kriminal ang Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Lunes sa Department of Justice laban kina Herminio “Harry” Roque Jr., Mylah Reyes Roque, at Percival Sazon Ortega kaugnay ng mga paglabag sa buwis na may kinalaman sa Biancham Holdings and Trading, Inc.

Batay sa imbestigasyon ng BIR, nabigo ang mga nasasakdal na magsumite ng kinakailangang tax returns at magbayad ng kaukulang buwis sa paglilipat ng shares of stock at sa pagtaas ng authorized capital stock. Tinatayang umabot sa higit P3.35 milyon ang kabuuang tax deficiency, kasama na ang surcharges at interes.

Nakakita ng probable cause ang BIR upang kasuhan ang Roques at si Ortega ng sinadyang pagtatangkang umiwas sa pagbabayad ng buwis sa ilalim ng Section 254, at ng hindi pagsusumite ng tax returns sa ilalim ng Section 255 ng National Internal Revenue Code of 1997, na inamyendahan.



Bukod dito, nagsampa rin ang BIR ng dalawang hiwalay na kaso laban sa Terjonan Transport Company Inc. at sa mga opisyal nito na sina Rhodora Andrada Zamora at Maria Teresa Emflorgo Sarmiento dahil sa hindi pagbabayad ng Value-Added Tax (VAT) para sa taong 2017 na nagkakahalaga ng P9.178 milyon. Kinasuhan din si Niefel Mae Heria Demonteverde dahil sa hindi pagbabayad ng delinquent tax liabilities para sa taong 2019 na umaabot sa P8.44 milyon, kabilang ang Income Tax, VAT, at iba pang obligasyon.

Ayon sa Section 254 ng Tax Code, ang tax evasion ay may kaparusahang multa mula P500,000 hanggang P10 milyon at pagkakakulong ng 6 hanggang 10 taon. Samantala, ang mga paglabag sa Section 255 ay may kaparusahang multa at pagkakakulong ng hanggang 10 taon, bukod pa sa pagbabayad ng kaukulang buwis.



Sinabi ni Commissioner Charlito Martin R. Mendoza na ang pagsasampa ng mga kasong ito ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng BIR ng Run After Tax Evaders (RATE) program sa ilalim ng Revenue Collection and Base Protection pillar ng DARES reform program. Dagdag pa niya, hindi magdadalawang-isip ang BIR na magsagawa ng lahat ng kinakailangang legal na hakbang laban sa mga indibidwal at korporasyon na sinasadyang umiwas sa pagbabayad ng buwis o hindi sumusunod sa mga lehitimong assessment.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">