Advertisers
MINALIIT ng Malakanyang nitong Lunes ang mga ulat ng umano’y planong destabilisasyon na kinasasangkutan ng mga retiradong opisyal ng militar, habang hinihimok ang mga ahensya ng seguridad na imbestigahan ang mga bagay kung may lumabas na ebidensya.
Sinabi ni Palace Press Officer, Atty. Claire Castro, na hindi na bago ang mga claim ng recruitment activities sa loob ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naglalayong sirain ang gobyerno.
“Matagal na pong balita iyan, matagal na nilang gustong magsagawa ng destabilization laban sa ating Pangulo, hindi na po iyan bago,” sabi ni Castro sa isang press briefing sa Malakanyang.
Ang pahayag ay matapos isiwalat ni Senador Panfilo Lacson ang umano’y hakbang ng ilang retiradong opisyal para sa “grab power” sa gitna ng patuloy na tensyon sa pulitika sa bansa.
Gayunpaman, binigyang-diin ni Castro na dapat kumilos nang desidido ang mga tungkulin kung mapapatunayan ang mga paratang.
“Kung ito ay mapapatunayan… hindi na po kayo kailangang utusan, gawin na po ninyo ang mag-imbestiga, sabi pa niya nauugnay sa mga seguridad at mga kinatawan ng inmbestigasyon. (Vanz Fernandez)