Grateful Sa Kanyang Team! Rozz Daniels At American Husband Na Si Sir David, May Dinner Treat Sa Kanyang Mga “ROZZ ANGELS”, Sa YAKUMI Solaire Resort
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Si Rozz Daniels, ang tipo ng artist na marunong magpahalaga at mapagmahal sa kanyang team. Also to to her iconic composer Doc Mon del Rosario na may likha ng kanyang 2 songs na “Bulong Ng Damdamin” at “My One Love On Christmas Day.” Very thankfull and appreciative si Rozz, sa mga naitulong ni Doc Mon sa kanyang showbiz career. Kaya naman bilang pasasalamat nila ni Sir David sa aming mga ROZZ ANGELS niya: Benny Andaya(her business manager), Timmy Basil, and yours truly. May pa blowout or Dinner treat sa amin si Rozz ngayong May 3, Sunday sa YAKUMI Japanese Resto, sa Solaire Paranaque. Bale first time sila kumain dito ni Sir David and according to Rozz ay nagustuhan nilang mag-asawa ang food dito. And one more thing ay may free accomadation rin sila sa Solaire kaya after ng dinner and bonding with us ay sa Hotel Resort na ito sila mag-i-stay ni Sir David. Kasama rin pala sa pa-dinner, na ito ni Rozz ay my Bff na si Pete Ampoloquio, Jr na supportive rin sa singing career ni Rozz. Masaya kaming lahat tuwing ka-bonding namin sina Rozz at Sir David kasi mga totoong tao sila at pareho humble and very down to earth ang sweet couple. As Publicist since early 90’s ay marami na kaming nahandle na singers at bibihira ang katulad ni Rozz. Ka-level niya sa kabaitan at pagiging professional si Anna Dizon at si the late Claire Dela Fuente. Yes pareho silang tatlo na mga professional at faithful sa kanilang PRO. Also International Singer and TV host Jules Graeser and Social Media Personality Dovie San Andres, pareho rin silang mga loyal. Hindi sila katulad ng ibang singers, na papalit-palit ng PRO o may flavor of the month. Hindi magandang maka-work ang ganyan.
By the way, this coming June to August ay magiging abala si Rozz and kaming team sa full-blast promo ng revival single niyang “Bulong Ng Damdamin.” May mga naka-line up na siyang Radio and TV guestings na nilakad ng manager friend niyang si Direk Benny. Looking forward pala si Rozz sa guestings niya sa Family Feud at WISH BUS. May gagawing rin siyang mall show. Pagpasok naman ng Ber month from Sept-December ay ang kanyang first Christmas single naman na “My One Love On Christmas Day” ang siyang ipo-promote ni Rozz. Mapapakinggan na rin sa dalawang sikat na FM Stations ang mga kanta niyang ito starting month of June 2026. Well, good luck to you Rozz, and we’re all here to support you all the time!