Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Sa isang panayam nabanggit ni Donny Pangilinan na napagdesisyunan nila ng love team partner na si Belle Mariano na maghiwalay muna.
Katunayan, ang pelikulang “Tayo sa Wakas” na ipalalabas sa Mayo raw ang last movie nila together.
Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers ang nasabing pahayag ng aktor.
Anila,awat muna raw ang tambalang DonBelle.
Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.
“Good for them. Pwede na silang mag focus sa solo career. Ang sabi ng iba ay nakukulong sa loveteam ang iba pero for me may panahon para mag solo ang nasa loveteam. And for DonBelle ay this is the right time na because kaya na nilang mag solo pareho. Parehong A lister na, may stable fandom, may support from the management, at madaming endorsements pareho.”
“Am a non fan. Okay na din to. They can grow as artists if hindi naka lock sa loveteam. Good that the management allowed them instead if milking the loveteam dry. Good luck to them since for sure may mga crazy stans na hindi matutuwa if ever iparthner sila sa iba.”
“Ganda ng approach nila. Sinabi nila outright, hindi yung bigla na lang hiniwalay tulad sa KathNiel. Kaya rabid yung ibang fans ng KN eh”
“Need nila ng growth as an individual actors, para pag may next project (movie or series) may ma-offer narin sila bago.”
“Sabi naman ni Donny “FOR NOW” mukhang mutual decision naman nila. Let’s just respect their decision. For sure they’ll support each other parin pag meron silang kanya kanyang projects.”
“Okay na rin for career growth.”
“Probably one of the few love teams na nag part ways ng maayos! Kudos to these two for choosing growth and avoid toxicity!”
“Siguro. Ewan, kasi baka PR. Nonetheless, if true I know they’ll shine on their own.”
“For sure, this must not be their last lalo na kung may clamor ang fans.”
“Sila pa naman sana ang pamalit sa KathNiel.”
“Well.They need to grow up as individual artists din.”
“Baka naman, gimik lang ito dahil may movie sila.”