Advertisers

Advertisers

Ashley Lopez, thankful sa takbo ng showbiz career

0 38

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

IPINAHAYAG ng magandang sexy actress na si Ashley Lopez na super-happy siya sa mga nangyayari ngayon sa kanyang showbiz career.

Aniya, “Sobrang happy ko po sa takbo ng showbiz career ko, dahil maliban sa nagbago ang buhay ko ay unti-unti na pong natutupad ang mga pangarap namin ng mother ko.”

Napapanood ngayon si Ashley sa sexy movie na pinamagatang “Tayuan 2” sa VMX app.

Isang konduktor na medyo boyish ang role niya rito, kaya naging peg daw niya si Maricel Soriano sa ginampanan dito.

Sambit ni Ashley, “Ang character ko po rito ay si Rhea, partner ko po rito si Marco Mora. Pinanood ko po ang movie ni Maricel Soriano na Batang Quiapo, kumbaga parang naging peg ko po iyon. Kasama ko rin sa movie sina Chester Grecia at Dara Lima. Ito ay directed by Topel Lee po.”

Thankful si Ashley na nabibigyan siya ngayon ng chance na makatawid sa mainstream.

Esplika ng hot na hot na alaga ni Jojo Veloso, “Very thankful po ako, at wish ko po na unti-unting makapasok na ako sa mainstream TV po. Bale, nakapag-guest po ako kamakailan sa Pepito Manaloto at sa Tiktoclock, and sana po ay mas marami pang ganoon na opportunity ang dumating po sa akin.”

Hirit pa ni Ashley, “Opo naman, kahit nasa VMX po kami, puwede rin kaming sumabak sa mainstream TV at movies, hindi lang po kami pang-VMX.

“Kasi kami po, sexy artist po kami, pero kaya rin po naming mag-drama, mag-comedy, at mag-action. Kumbaga, all around po talaga kami. Pagdating po sa acting-an ay wala po kaming inuurungan talaga, kasi ay sobrang tapang po namin,” nakangiting sambit niya.

Dagdag pa ni Ashley, “Sobrang natuwa po ako, kasi hindi ko expected na after a year ay mabigyan po ako ng chance po sa mainstream agad, though iyon po talaga ang goal ko kahit noong nagsisimula pa lang po akong mag-VMX.”

Base naman sa chat namin sa aktres recenlty sa pamamagitan ng Facebook, nakatakdang mag-shooting si Ashley very soon ng kanyang new movie na pinamagatang “Sugar Mommy.”

Dito ay tiyak na hindi lang kaseksihan ang ipapakita na naman ni Ashley, kundi ang kanyang talento sa iba’t ibang klase ng role na natotoka sa kanya.