Baka Silang Dalawa Naman Ang Intrigahin! “Prince Of Talk” Toni Co Nagbakasyon Sa Bangkok Thailand Kasama Si Rainier Castillo
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
After ng sunod-sunod na taping, ng “Prince Of Talk” na si Toni Co, para sa kanyang sariling Talk show na “TALK EXPRESS” sa KDM Studios. Last week, ay naisingit ni Toni ang makapag-travel uli at bakasyon sa favourite destination niya sa Asya na Bangkok, Thailand. At aside sa kanyang Tres Chic Luxury Original Family, ay kasama rin ni Toni sa Bangkok ang gwapong actor-businessman na ai Rainer Castillo. Naku, baka ang dalawa naman ang intrigahin ng entertainment press, matapos i-link nila si Rainier sa Recording artist na si Jojo Mendrez. This time ay baka kay Toni, naman iugnay ng mga ito si Castillo.
Well, ayon pa mismo kay Toni ay 8 years na silang magkakilala ni Rainer. And until now, ay still intact ang kanilang closeness sa isa’isa. At na-enjoyed nila ni Rainer at ng kanilang mga kasama ang naturang bakasyon. Magmula sa thai food at mga beautiful tourist spot, nighout, at shopping ay na-enjoyed nina Toni at Rainier.
Samantala after ng season break ng kanyang bonggang Talk show ay balik Pinas na si Toni. At back to taping na rin sa Talk Express na palaki na na palaki ang views ng bawat episode nito. At matapos ninyong mapanood sina Mon Confiado, Rita Avila, Dexter Doria and Ms Carmi Martin. Next in line naman ay sina: Beauty Queen and Actress Alma Concepcion, Yayo Aguila, Direk Rahyan Carlos. At ang inaabangan ng lahat including me na si Rosanna Roces, na kapag ang actress ang guest ay marami ang interesado na mapanood siya. Panu, walang kaplastikan sa sarili si Osang, at pasabog talaga ang mga binibitawan nitong mga salita at higit sa lahat panalo sa views kapag siya ang guest. Ang maganda ay kaya ni Toni Co, na sabayan si Osang sa mga magiging rebelasyon nito sa kanyang much awaited appearance sa Talk Express. At pareho silang malakas ang sense of humor at entertaining syempre. At yes very well loved sa Entertainment Industry si Toni kaya isang tawag lang niya sa mga kaibigang artista ay payag agad na mag-guest sa kanyang Talk Express na inyong mapapanood tuwing Sabado, 5:00 PM sa Cignal TV, KDM Studios FB and Youtube Channel also at Toni Co’s Facebook Page.