Advertisers
NASAWI ang isang pulis, at apat ang sugatan nang pagbabarilin ng assault rifles ng isang wanted sa iba’t ibang krimen at mga kasama na kanila sanang sisilbihan ng warrants of arrest sa Barangay Lumbak, Buadiposo Buntong, Lanao del Sur Lunes ng umaga, May 4.
Isang Police Corporal na kasapi ng 41st Special Action Company ng 4th Special Forces Battalion ang namatay sa mga tama ng bala na tinamo sa naturang engkwentro
Sa inisyal na ulat ng mga opisyal ng Lanao del Sur Provincial Police Office at ni Capt. Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, target ng naturang law-enforcement operation ang matagal nang wanted na si Sukair Diocat.
Si Diocat at ilang kasama, diumano’y sangkot din sa illegal drug trade, ay may kinakaharap na mga kasong murder at frustrated murder na nakasalang sa iba’t ibang kor-te.
Kasalukuyang nilulunasan sa isang ospital sa Marawi City ang apat na sugatang pulis, isa sa kanila SAF member na Captain ang ranggo.
Ang operasyong naging madugo ay pinangunahan nila Capt. Nur Basher Cayda ng Buadiposo Buntong Municipal Police Station at ni Lt. Muba-rak Dimakuta ng 41st Special Action Company ng Police 4th Special Forces Battalion.
Hindi binanggit sa inisyal na ulat ni Salanguit kung naaresto ang wanted na si Diocat.
Ayon sa local executives, nakatakas ang mga target ng warrants of arrest.(Mark Obleada)