Advertisers

Advertisers

Sugarcane Industry Development Act, pinaaamyendahan

0 3

Advertisers

Sinabi ni Negros  Occidental  3rd  District Reprentative Javier  Miguel. Benitez na nais niyang  paamyendahan ang Republic Act No. 10659 o ang Sugarcane Industry Development Act of 2015 (SIDA).

Ito ay para simulan ang malawakang reporma para patatagin ang industriya ng asukal.



Sa ilalim ng House Bill No. 9088 o Tunay na Ugnayan, Buhay, at Oportunidad sa Asukal (TUBO) Act of 2026, layunin nito na tugunan ang patuloy na pabago-bagong kalagayan sa produksyon, presyo at suplay ng asukal na iniuugnay ng mga stakeholder sa mga kakulangan ng regulasyon, patakaran sa pag-angkat, at pagpapatupad ng mga programa.

Nakasaad sa panukala na palalawakin ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang kapangyarihan para i-regulate hindi lamang ang asukal kundi maging ang sugar substitutes tulad ng high-fructose corn syrup at iba pang caloric at non-caloric sweeteners. 



Nabatid na layunin din ng panukala na  punan ang mga kakulangan sa regulasyon na ayon sa industry groups ay nagdulot ng oversupply at market distortion dulot ng sobrang importasyon dahilan para magbunga ng downward pressure sa farmgate prices.

Nakasaad din sa panukala na mas maging inclusive ang SRA governing board, sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga kinatawan mula sa mga sugar millers, sugar planters, sugar refineries, Small Farmers and Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs), field at mill workers, at industrial users. 



Bunsod  nito, iniuutos ng mambabatas ang regular na konsultasyon sa mga stakeholder at inaatasan ang pagpapalathala ng mga datos at mga desisyong polisiya upang mapahusay ang transparency.

Nakasaad din sa panukala ang 18-month moratorium sa commercial sugar imports, alinsunod sa mga kaso ng supply shortage.

Kasama sa panukala ang mga probisyon para sa mekanismo ng price support, emergency cash assistance para sa mga apektadong magsasaka, subsidiya para sa angkop na mga input sa sakahan, at pansamantalang loan relief program para sa mga small planters.(Boy Celario)