Advertisers

Advertisers

Reli – Jawo!

0 8

Advertisers

Kilala si Robert Jaworski na malapit sa tao. Mapagbigay siya sa mga tagahanga na humihingi ng autograph at nagpapapicture. Hindi aalis sa lugar hanggang may nakapila at naghihintay sa kanya.

Tayo mismo ay saksi sa mga ganitong eksena. Minsan sa praktis ng Barangay Ginebra at sa isang event ng Masagana Superstore sa Taft Ave.

Ang hindi gaanong batid ng publiko ay ang pagtulong ni Jawo sa mga nangangailangan.

” Ang dami niyang personal na inalalayan lalo na ang may mga sakit,”kwento ni Reli de Leon, ang Chairman ng Philracom.

“Malimit tayo ang napapakiusapan na magdala ng pera sa mga inilalapit sa kanya,’ dagdag ni de Leon sa pag-uusap natin sa OKS noong isang linggo.

Malapit na kaibigan si Reli ang Living Legend mula noong executive pa siya ng isang tanyag na kumpanya ng sapatos.

May isa pa raw na ilang beses binisita ni Jaworski sa ospital para pasayahin ang masugid na tagasubaybay.

Tapos mayroon ding hinilingan ng ayuda ang isang patnugot ng diaryo. Pinuntahan daw mismo ng dating playing coach ng Gin King’s.

Pero bihira mabalita sa media ang gawaing ito. Hindi naman daw kasi mahalaga sa ama ni Vice Mayor Dodot ng Pasig na malathala pa ito.

Sa ngayon ay nabibisita ni Reli ang kaibigan sa bahay. Nakakatayo at nakakakilala pa kahit may edad na.

Halos lahat ng kakampi niya sa Meralco at Toyota ay wala na sa mundong ibabaw.

***

Alam nyo ba na kasing edad ni LeBron James ang mga head coach ng 2 magkatunggali sa 2nd round ng NBA playoffs.

Opo pare-pareho silang 41 anos. Si Coach JJ Reddick matanda pa ng 6 na buwan kay LBJ samantalang mas bata ng 60 araw naman sa kanya si Coach Mark Daigneault ng OKC

Hayun dinadaig ni Mark ang dalawang kuya niya. Sorry Tol JJ at Tol LeBron, laro lang walang personalan.

Sa regular season ay 4-0 at sa 2nd round naman ay 3′- 0 na.

***

May isang dating basketbolista na naging coach at commissioner ang bahagi ng defense team ni VP Sara Duterte. Siya si Gregorio Narvasa II na abogado mula sa Ateneo. Anak si Ogie ni ex CJ Andres Narvasa at kapatid ni Chito Narvasa na naging HC ng Shell sa PBA. Bilang partner sa Fortun Narvasa law firm ay kasali siya sa power cast na magtatanggol sa bise presidente

Naging player at mentor siya ng ADMU Eagles. League Commissioner ng PBL at MBA noong kasikatan ng mga ito.

Mas kilala siya sa depensa kaysa kanyang opensa sa game.

Pag-akyat ng kaso sa Senado malalaman naman kung gaano siya kahusay na defense attorney.