Advertisers

Advertisers

Paglusob ng NBI sa Senado

0 8

Advertisers

LUNES na Lunes, Mayo 11, ay nabulabog ang Senado kasama ang mga opisyal at empleyado nito.

Hindi ito tungkol sa nangyaring kudeta, kungsaan pinalitan ni Senator Alan Peter Cayetano si Senator Tito Sotto bilang Senate President.

Ito ay tungkol sa ginawang paglapastangan ni Sotto sa Senado bilang institusyon.

Weekend palang ay natunugan na ni Sotto na maaari siyang mapatalsik sa pagiging SP. Bukod sa paghatak ng mga kakampi, humingi narin siya ng saklolo sa labas ng Senado. Alam niyang sisipot si Senator “Bato” dela Rosa upang bumoto para sa magiging bagong Senate leader. Nakipag-ugnayan siya sa National Bureau of Investigation (NBI) at pati narin kay ex-Senator Sonny Trillanes upang abangan si dela Rosa at hulihin ito pagsipot sa pagbubukas ng plenaryo.

Kaugnay nito, inatasan ni Sotto ang Sergeant-at-Arms ng Senado na tulungan ang NBI sa paghuli kay dela Rosa. Pinatambay pa ni Sotto sa opisina niya si Trillanes, at pinakain ang 15 NBI agents. Pagkatapos ay tinimbrehan niya ang mga ito na magtalaga ng agent sa bawat palapag ng Senado upang abangan si dela Rosa.

Sa isang media interview, ibunyag ni Senate President Cayentano na aminado si NBI Director, Atty. Melvin Matibag, na may basbas ni Sotto ang pagpunta ng kanyang mga tauhan sa Senado.

Matagal nang umiiral sa Senado ang konsepto ng inter-parliamentary courtesy, isang tradisyon ng paggalang sa kapwa mambabatas at sa integridad ng institusyon.

Tila isinantabi ni Sotto ang mga tanong sa legalidad at parliamentary norms dahil lang sa napipintong power struggle sa Senate Presidency at sa kagustuhan niyang manatili sa pwesto.

Nangyari na nga ang coup, at napalitan si Sotto. Pero gumulong na ang mga palpak na planong inihanda niya. Nagulo ang buong sesyon sa unang araw ng linggo. Nagbanggaan ang pwersa ng NBI at Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) ng Senado.

Isang security force ng OSAA ang binugbog ng mga NBI agent.

Kawawang OSAA personnel.

Nagkabangayan din ang ilang supporters ni dela Rosa at NBI agents na may assault rifles sa labas ng compound.

Habang nangyayari ang lahat ng ito, tila tatawa-tawa lang si Sotto sa mga ginawa niyang hakbang upang ma-secure lang ang numero para manatiling SP. Hindi niya iginalang ang institusyon dahil kapit-tuko siya sa pwesto.

Kahiya-hiya ang mga naging pangyayari sa Senado.

At si Sotto ang dahilan kung bakit tila naging circus ang upper chamber sa pagbukas nitong Lunes. Mismo!

***

As expected. na-impeach si Vice President Sara Duterte-Carpio sa Kamara. Overwhelming ang boto, 255 out of 318 House members.

Sa pagkaka-impeach kay Sara sa Kamara, nasa mga kamay na ng mga senador ang bola kung susundin nila ang ayon sa mga ebidensiya laban kay VP Sara o dedmahin nalang nila ito sa ngalan ng politika at personal na mga enteres.

Ang bagong Senate president ay kaalyado ng Duterte.