Advertisers
TINIYAK ni newly elected Senate President Alan Peter Cayetano na susunod ang Senado sa Konstitusyon sa paghawak ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay matapos i-utos na ma-itransmit na sa Senado ang Articles of Impeachment.
Sinabi ni Cayetano, kapag natanggap na ang Articles of Impeachment, rerepasuhin muna ang rules at agad magpupulong ang Senado upang maa- yos na simulan ang pro-seso.
Giit niya, susunod sila sa interpretasyon ng Korte Suprema at sa “forthwith” o agad-agad na pagdinig,
Sa katunayan, kasalukuyan na rin umanong pinag-uusapan ang rules kasama ang minority bloc.
Ayon sa Senate President, hindi niya nais magkaroon ng delay sa proseso.