Advertisers

Advertisers

GMA reporter minanyak ng dating katrabaho, nagsampa ng reklamo

0 2

Advertisers

NAGSAMPA ng kasong ‘acts of lasciviousness’ at ‘gender-based sexual harassment’ ang GMA reporter na si Athena Imperial laban sa dati niyang kasamahan sa network na si Nico Waje.
Isinampa ni Imperial ang reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office nitong Miyerkoles, Mayo 13.
Sa pahayag ng abogado ni Imperial na si Atty. Aloi Renz Santos ng APS Law, sinabi nitong nasa tamang forum na ang kaso kaya’t hahayaan na lamang nilang umusad ang legal na proseso habang pinoprotektahan ang karapatan ng kanilang kliyente.
“Ms. Imperial-Rodriguez comes forward not only for herself, but also as an advocate for those who cannot yet speak for themselves. She believes that incidents of this nature can no longer be ignored, minimized, or tolerated in any workplace, profession, or industry,” ani Santos.
Sa hiwalay na pahayag, si-nabi ni Imperial na hindi naging madali ang desisyon ni-yang magsampa ng kaso na kinailangan pa niya ng panahon, pagninilay, at suporta mula sa mga taong malalapit sa kanya bago nagkaroon ng lakas ng loob na ituloy ito.
“At this point, I choose to place my trust in the legal process and in the institutions tasked to handle these matters properly and fairly,” ayon pa kay Imperial.
Hiniling din niya sa publiko na iwasan ang mga espekulasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at legal na proseso.
Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng opisyal na paha-yag si Waje tungkol sa reklamo.