Advertisers

Advertisers

CIDG BINAWI SUBPOENA KAY SEN. BATO

0 2

Advertisers

BINAWI ng Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang subpoena laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Kinumpirma ito ni PNP Spokesperson, Brigadier General Randulf Tuaño, sa panayam sa media nitong Miyerkoles. Ayon sa kanya, dinala ng CIDG ang ‘letter of recall’ ng subpoena duces tecum sa opisina ng senador sa Senado nitiong Mierkoles ng umaga.
Wala aniya sa opisina si Dela Rosa kaya ipina-receive na lamang ang dokumento sa kanyang mga staff.
“Ito ay may kaugnayan sa pinag-usapan ni Chief PNP at ng director ng CIDG bilang respeto sa institusyon ng Senado kaugnay ng Senate protection order na inisyu nila para kay Senator Bato Dela Rosa,” ani Tuaño.
Sa ilalim ng naturang subpoena, inatasan si Dela Rosa na humarap sa CIDG sa Camp Crame sa Huwebes.
Tiniyak naman ni Tuaño na magpapatuloy ang imbestigasyon kaugnay ng mga kaso ng extrajudicial killings noong nagsilbi si Dela Rosa bilang Davao City at regional police chief.
“Patuloy ‘yung investigation nila, kinukumpleto na nila ‘yung mga documentations. At makaraang ma-settle ‘yung issue ng Senate protection order, magsusumite uli ang CIDG para magpa-receive ng panibagong subpoena,” dag-dag pa niya.(Mark Obleada)