Advertisers

Advertisers

Ika-232 taon Pistang bayan ng San Isidro Labrador, ipinagdiwang

0 12

Advertisers

Umabot na sa 375 kalabaw mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Bulacan ang nakiisa sa pagdiriwang ng Carabao kneeling festival kasabay ng kapistahan ng San Isidro Labrador na nagsimula noong 1794 na umabot na sa 232 na ang patron ng magsasaka sa bayan ng Pulilan nitong Mayo 14-15, 2026.
Bagama’t limitado ang pondo na tiniyak ni Mayor RJ Peralta, na magiging maayos ang dalawang araw na pagdiriwang ng kapistahan,ni San Isidro Labrador.
Nagsimula ang parada ng mga kalabaw at Kariton, na nilahukan ng iba’t-ibang barangay.
Umabot sa 2 kilometro ang parada sa Brgy. Lumbac na babagtas sa National Road ng Brgy. Poblacion na magtatapos sa Brgy. Paltao.
Ayon naman kay Josef Navarro, tourism chief ng Pulilan, bago ang parada nagsagawa ng isang panalangin ang mga magsasaka upang humiling sa Dios Ama,ng ulan para sa mga bukid na uhaw sa tubig.
Panalangin din ng mga magsasaka ang masaganang ani ng kanilang mga tanim na halaman.
Layon ng Carabao kneeling festival na pataasin ang tourism sa kanilang bayan at sa lalawigan ng Bulacan.(Thony D. Arcenal)