Advertisers
MULING maglalabas ng subpoena ang Philippine National Police (PNP) laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Ito’y matapos ang paglabas ni Dela Rosa ng Senado nitong Huwebes madaling-araw, Mayo 14.
Sinabi ni PNP Spokesperson, Brigadier General Randulf Tuaño, na ipagpapatuloy nila ang paglalabas ng subpoena para paharapin si Dela Rosa sa Camp Crame.
Kaya lang naman nila ito binawi bilang respeto sa institusyon ng Senado.
Nabatid na Mayo 14 sana pinapaharap ng CIDG si Dela Rosa dahil sa imbestigasyon sa umano’y extrajudicial killings pero hindi ito natuloy dahil nagkaroon sila ng ‘letter of recall’.
Samantala, nilinaw ni Tuaño na hindi pa nila magagawang arestuhin si Dela Rosa kahit may arrest warrant na ito mula sa International Criminal Court (ICC).
Hindi pa kasi aniya ipinatatawag ang PNP ng National Central Bureau na siyang local branch ng Interpol sa bansa at ng Philippine Center for Transnational Crime.