NBI VOLUNTEER DRIVER ANG INARESTO SA PUTUKAN SA SENADO
27 putok mula sa OSAA, 5 mula sa opposing side
Advertisers
INARESTO ang isang driver sa insidente ng pagpapaputok sa loob ng Senado sa Pasay City Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Kinilala ang driver sa alyas “Mel Oragon,” 44-anyos na Filipino, empleyado bilang driver ng NBI, batay sa ulat ng Southern Police District.
Sa paunang imbestigasyon, pinaputukan ng driver ang loob ng Senado 7:50 ng gabi sa GSIS Compound, na nagdulot ng panik sa mga tao sa lugar.
Ayon sa ulat, armado ang driver ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril at kalaunan nasupil at naaresto ng Senate Security Detachment.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang driver habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, pagkalap ng ebidensya, at pagkuha ng salaysay upang matukoy ang motibo ng insidente.
Inihahanda narin ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, alarms and scandals, grave threats, direct assault, at paglabag sa Senate security rules.
Ayon sa pulisya, sumailalim din sa paraffin test ang driver sa loob ng Senado.
Sinabi ni PNP spokesperson Brigadier General Randulf Tuaño na may mga pangalang binanggit ang driver sa interogasyon nguni’t patuloy pa itong beripikasyon.
Kinumpirma rin na isang indibidwal ang nasa kustodiya ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) at iniimbestigahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Pasay City Police.
Nilinaw ng mga awtoridad na ang mga tauhan ng OSAA ay gumanti lamang ng putok. Walang naitalang nasawi o nasaktan sa insidente.
Nauna nang nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ng kalmadong pag-iisip at sinabing walang ahensya ng gobyerno ang sangkot sa pagpapaputok, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang alamin kung ito ba ay hiwalay na insidente o bahagi ng mas malawak na destabilization attempt.
Samantala, iginiit ni NBI Director, Atty. Melvin Matibag, na hindi opisyal na em-pleyado ng ahensya si Mel Oragon, ang tinutukoy na umano’y pasimuno sa Senate shooting Miyerkules ng gabi, Mayo 13.
Sa press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Huwebes, Mayo 14, base aniya ang impormasyong ito sa validation na ginawa nila patungkol kay Oragon.
Aniya, “Ngunit noong akin pong…nagkaroon na po ako ng sariling imbestigasyon, lumalabas po na siya ay parang volunteer—kasama po noong mga ahente po ‘no.”
Sinagot din niya ang tanong hinggil sa direktiba sa paghawak ng baril sa gitna ng mga operasyon.
“Doon po sa katanungan kung allowed humawak ng baril, ‘yon po kasi ‘yong nakita na naglalakad pinahawak pero ‘yong actual naman po na pangyayari, wala naman po siyang access po doon sa baril na hawak-hawak po niya,” saad ni Matibag.
Siwalat pa ng direktor, kasama ng NBI si Oragon bilang driver nito.
Sa kabilang banda, sina-sabing si Sergeant-at-Arms Mao Aplasca ang unang nagpaputok at nagsunuran ang kanyang mga tauhan, kungsaan gumanti ang NBI agents.
Sinabi naman ni DILG Secretary Jonvic Remulla na 27 putok ang galing sa OSAA, habang lima mula sa opposing side.
Nagpapatuloy ang imbes-tigasyon sa insidente.(Boy Celario)