Advertisers
Tuwang-tuwa na ang mga empleyado ng COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED) subalit naudlot ang kasiyahan nang ang kanilang MIDYEAR BONUS na naipadala na sa kanikanilang ATM CARD ay muling naglaho kinabukasan dahil binawi raw ng kanilang management.
Ayon sa kuwento ng ilang CHED EMPLOYEES ay nagtungo na ang mga ito kinabukasan sa ATM Machine para magwidrow ng PERA subalit wala na raw laman dahil binawi ang perang naipadala sa kanilang ATM account.
Kahapon ng umaga habang ginagawa ko ang kolum na ito ay may impormasyon akong natanggap na muling ibinalik na raw sa kanilang ATM account ang halaga ng kanilang MIDYEAR BONUS ., pero sabi nga nung mga nag-imporma sa ARYA ay “the damage is done”.., hehehe deposito bawi.., deposito balik uli!
Sa impormasyon ipinararating sa ARYA ay..,
“Sa kinauukulan: Tungkol po ito sa pamunuan CHED, una po ay ang tungkol sa GEC (General Education Curriculum).., na gusto nilang ireforma na di nman naayon sa batas, kaya ito ay umani ng maraming batikos, bago nila binawi, at pangalawa po ay ngayon naman po nais lamang po na iparating, ang mid year bonus ng mga empleyado ay binawi ng pamunuan ng CHED,sa kadahilan daw na hindi pa daw nagsusubtitles ang Office Performace Commitment Review (OPCR). Di po ba ito ay mandatory na ibigay na benefit ng empleyado.
Ang bonus na ito ay nakalaan na sa mga gastusin at bayarin, lalo na bunsod ng kasalukuyang national energy emergency na lahat ng presyo ng bilihin ay nagtaasan. Umaasa ng agad na tugon at tulong po ninyu. Salamat po.”
Mabuti naman at natanggap na ng mga empleyado ang kanikanilang MIDYEAR BONUS at sa katanungan hinggil sa pagreporma ng GEC ay siguradong maipaliliwanag ito ng CHED sa liderato ni DR. SHIRLEY AGRUPIS na ayon sa impormasyon ay nasa London ito.., kaya pagbalik nito sa kanilang ahensiya ay siguradong maipaliliwanag niya ang mga kasagutan sa katanungan ng mga empleyado!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.