Advertisers

Advertisers

Ice Seguerra hirap sa serbisyo noon sa NYC dahil sa pulitika

0 2

Advertisers

Ni Anne Venancio

Iginiit ng singer at dating public servant na si Ice Seguerra na naging mahirap para sa kanya ang tunay na karanasan sa serbisyo publiko dahil sa umiiral na pulitika sa loob ng pamahalaan.

Sa panayan sa programang ‘Fast Talk with Boy Abunda’, ibinahagi ni Ice, na naging chairperson ng National Youth Commission noong 2016, na pumasok siya sa gobyerno dala ang layuning makatulong sa kabataan at magsilbi nang walang kinikilingan.

Naniniwala siya noon na ang public service ay dapat nakatuon lamang sa tunay na paglilingkod sa mamamayan, anuman ang kulay ng politika pero nakaramdam siya ng matinding pagod at hindi pagkakasundo sa mga sitwasyong may kinalaman sa politika sa loob ng sistema.

Aminado ito na naapektuhan siya kaya’t napilitan siyang magbitiw sa kanyang posisyon noong 2018.

“Mahirap magserbisyo kapag napapaligiran ka ng politics,” ani Ice.