Advertisers

Advertisers

SENATOR BATO, BAKA BIGLA NA LANG MAG DISAPPEAR SA PINAS

0 3

Advertisers

Lubhang nag-aalala ang marami nating kababayan na baka bigla na lang mag-disappear ng Pinas si Senator Bato de la Rosa sa kabila ng mga kasong kanyang kinakaharap.

Ang ganito kasing kaganapan ay natural na lang na nangyayari sa ating bansa na kung saan ang mga taong may kaso ay bigla na lang nakakalabas ng bayan.

Kapagdaka ay ikakagulat na lang natin na ang mga ito ay nasa ibang bansa na sa kabila ng tight-watch at kabi-kabilang hold-departure order inisyu ng gobyerno.

Ilan sa mga taong ito na naiulat na bigla na lang nakaalpas ng bansa ay sina dating Congressman Arnie Teves, dating Spokesperson Harry Roque, gambling tycoon Atong Ang, Congressman Zaldy Co at marami pang iba.

Hindi lang basta mga kaso ang kinakaharap ng mga ito kundi pawang mga heinous crime tulad ng murder, plunder at graft and corruption.

Ang mga ito umano ay mga prominenteng tao na halos lahat ay mga politiko, sinasabing puro bilyonaryo at hanggang sa ngayon ay mabigat pa rin ang koneksiyon ng mga ito.

Dahil sa dami ng mga eskapo, tinagurian na ng ilan eksperto na ang Pinas ay eskapo capital of the world, pera lang at koneksiyon ang kailangan.

Ganon lang daw kadaling lumabas ng Pinas ang mga wanted criminal sa kabila ng kung anu-anong strict compliance na pinapatupad ng gobyerno.

Ito anila ay pawang moro-moro lang at publisidad ngunit sa totoo lang ay sila ay Isang simbolo lang at laruan ng mga nasasakdal.

Kinain na anila sila ng sistema na kung saan naging pera-pera, pwera damdamin ang naging labanan.

Hanggang sa ngayon ay palaisipan pa rin sa maraming Pilipino kung bakit ganon na lang kadali ang paglabas ng Pinas ng mga ito sa kabila ng tight-watch at sandamakmak na hold-departire order ng gobyerno.

Siguradong scripted at planado ng mga taong mismong nasa gobyerno ang mga kaganapang ito dahil sa ang mga prinsipyong pinapairal ng mga ito ay ” see no evil, hear no evil”

Sanay hindi magkatotoo ang ating sapantaha, harinaway nandito pa sa Pinas si Bato na buong tapang na haharapin an mga kasong inuugnay sa kanya.