Advertisers
ISINAPUBLIKO ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang video footages ng kaguluhan sa loob ng Senado noong Mayo 13 ng gabi hanggang Mayo 14 ng madaling araw (mula nang magkaroon ng putukan at pagtakas ni Senador “Bato” Dela Rosa).
Ang video footages ay nagsasabi kung sino ang mga gumawa ng kadramahan at nagsisinungaling sa mga opisyal na sangkot sa kaguluhan.
Ipinakikita ng video footages na ang mastermind o ang nagsimula ng putukan ay walang iba kundi ang mistah ni Bato sa Philippine Military Academy (PMA) na si Sergeant-at-Arms chief retired Major General Mao Aplasca.
Si Aplasca, na nakasuot ng bullet vest, ay nagpaputok sa direksyon ng GSIS building kungsaan naroroon ang NBI operatives p,ero sa erya na wala namang tao. Kaya walang tinamaan. Dingding lang kasi ang pagitan ng Senado at GSIS.
Dahil sa ginawa ni Aplasca, gumanti ng putok ang taga-NBI. Limang putok ang nakitang nanggaling sa kanila, habang 27 ang mula sa tropa ni Aplasca.
Dito palang ay ‘guilty’ na si Aplasca. Sinuspinde siya ng Ombudsman ng 6 buwan.
Ipinalit kay Aplasca si dating AFP chief Antonio Parlade, Jr.
Pinasinungalingan din ng video footages ang mga ipinagsisigawan ng bagong Senate President na si Alan Peter Cayetano.
Iginigiit kasi ni Cayetano na ang Senado ay “under attack”.
Ang totoo, ang NBI ang under attack ng mga power-grabber na opisyal ng Senado. Mismo!
Nagsimula ang lahat nang tawagan ni Cayetano si Bato, na walong buwan nang nagtatago dahil sa ICC warrant, na pumasok para bumuto para patalsikin si Sen. Tito Sotto sa pagka-Senate President.
Ayon mismo kay Bato, sa interview ng media, si Cayetano ang nag-provide ng sasakyan para sunduin siya kungsaan siya nagtatago.
Sabi ni Bato, pagdating sa Senado, hindi niya alam na may mga taga-NBI na nandoon. Nang makita niyang papalapit ang mga ito ay kumaripas siya ng takbo papasok sa loob. Kita sa video footages ang habulan nila ng taga-NBI sa loob ng Senado. Hindi naaresto si Bato nang makapasok ito sa loob ng session hall. Bawal kasi ang operatives sa session hall.
Kinustodya ng Senado si Bato. Hindi siya puede hulihin hanggat nasa loob ng Senado. Pero nang inanunsyo ng International Criminal Court (ICC) ang arrest warrant ni Bato, at ipinahuhuli na ito sa Interpol, nag-isip na si Bato na magtago uli.
Dito na nagsimula ang mga kadramahan ng putukan para makatakas si Bato.
Huwebes ng madaling araw, Mayo 14, nakita ang sasakyan ni Sen. Robin Padilla palabas ng Senado, sakay daw nito si Bato. Dumiretso raw sila sa Manila Yacht Club, tapos inihatid ng isang yate si Bato sa Batangas kungsaan naghihintay ang helikopter na naghatid sa senador sa Mindanao.
Tinutugis na ngayon si Bato ng batas. At malamang na makasuhan sina Padilla at Cayetano sa pagtakas ni Bato.
Ang gulo ng mga inihalal ninyong Senador!