Advertisers

Advertisers

NAKATUWANG SA PROGRESONG QC PINAPURIHAN!

0 257

Advertisers

Bilang pagpapaunlad sa pangangasiwa ng QUEZON CITY (QC) GOVERNMENT at nakatuwang sa ikapagkakaroon ng progreso at tapat na pagseserbisyo publiko ay pinapurihan ni QC MAYOR JOY BELMONTE ang lima (5) nilang CITY OFFICIALS na pinangungunahan ni CITY TREASURER EDGAR VILLANUEVA na isa sa mga CIVIL SERVICE COMMISSION’s (CSC) 2026 GAWAD PAG-ASA AWARDEES.

“As I congratulate them on behalf of ‘QCitizens’ and City Hall employees for a job well done, I am taking pride of them for showing to the public how the city government people are working with dedication, competence and excellence,” saad ni MAYOR JOY na nagawaran din ng CSC’s 2025 GAWAD LINGKOD BAYANI AWARD dahil sa kaniyang natatanging kontribusyon para sa mga pangkomunidad.

Maliban kay VILLANUEVA ay naparangalan din nitong nagdaang Linggo sa INTRAMUROS, MANILA ng GAWAD PAG-ASA AWARDS sina QC VICE MAYOR GIAN SOTTO; BUSINESS PERMIT AND LICENSING DEPARTMENT HEAD MARGIE MEJIA; CITY’s DEPARTMENT OF BUILDING OFFICIAL CHIEF IS AGAIN VERSOZA JR: at si CITY’s PUBLIC AFFAIRS AND INFORMATION SERVICE DEPARTMENT (PAISD) CHIEF ENGELBERT APOSTOL.

Sa viber message ni TREASURER VILLANUEVA ay pinasalamatan nito ang buong CITY TREASURER’s OFFICE WORKFORCE dahil sa kanilang pagsuporta at matapat na pagiging mga empleyado kung saan ay higit nitong pinuri ang leadership ni MAYOR JOY na nagsilbing modelo ito sa lahat nilang mga CITY OFFICIAL.

“First of all, I thank the Lord for being chosen and included among the awardees. With the stewardship of Mayor Joy Belmonte, I only did what I had to do as the city treasurer — to strengthen the city’s financial position and tax collection efforts to fund the necessary expenditures for infrastructure, healthcare, education, peace and order, and disaster response,” pahayag ni VILLANUEVA.

Naihayag naman ni dating
ABS-CBN EXECUTIVE APOSTOL na ngayon ay siya na ang QC-PAISD CHIEF..,
ay hindi niya aakalaing maging CSC AWARDEE siya kasama ang iba pa na nakapag-ambag sa pagseserbisyo publiko.

Bahagi sa pagpapakita ng tapat na pagseserbisyo ng QUEZON CITY GOVERNMENT ay maaari nang makita ng mga QCITIZENS sa isang pindot lang sa kanilang computer, laptop o kaya ay sa kanilang celfone ang mga patunay sa iba’t ibang proyekto ng kanilang lungsod sa pamamagitan ng QCITIZEN DATA: RESIBO NG SERBISYO.

Ang naturang sistema ay naglalayong makita ng mga mamamayan sa pamamagitan ng monitor access sa kanilang CITY GOVERNMENT SERVICES upang.maipakita ang TRANSPARENCY, ACCOUNTABILITY at pagiging RESPONSIVE GOVERNMENT.

Ang DIGITAL.PLATFORM ng naturang lunsod ay kinabibilangan ng QC OPEN DATA DASHBOARD; QC OPEN INFRA DASHBOARD at ang QCiReport na maaaring mag-ulat hinggil sa mga reklamo o hinaing patungkol sa kanilang mga lugar!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.