Advertisers

Advertisers

MAHIGIT 100 IBA’T IBANG URI NG BARIL NI SEN. DELA ROSA, HIHILINGIN NG NBI SA PNP NA KANSELAHIN

0 91

Advertisers

HIHILINGIN ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Philippine National Police (PNP) na kanselahin ang mga lisensya ng mga baril na nakarehistro sa ilalim ng pangalan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Ito ay matapos sabihin ni NBI Director Melvin Matibag noong weekend na si dela Rosa, na kasalukuyang nahaharap sa warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC), ay ipinapalagay na “armed and dangerous” sa ilalim ng umiiral na mga protocol.

Sa isang panayam sa radyo nitong Lunes, sinabi ni Matibag na ang mga naiulat na mahigit isang daang baril na nakarehistro sa ilalim ng pangalan ni dela Rosa ay kinabibilangan ng iba’t ibang uri ng baril.

Ang mga baril na ito ay naka-address lahat sa Davao, dagdag niya.

Sinabi ng direktor ng NBI na nagpaplano ang bureau na magsulat ng pormal na liham sa PNP hinggil sa kahilingan nitong kanselahin ang mga lisensya para sa mga baril na nakarehistro sa ICC-wanted senator.

Binigyang-diin niya na ang pagmamay-ari ng baril ay isang pribilehiyo at maaaring bawiin ng gobyerno anumang oras.

Sinabi ni Matibag na kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang NBI sa PNP sa pagsubaybay kay dela Rosa at tuluyang maaresto.

Nauna nang sinabi ng Department of Justice na ang mga law enforcement agencies ng Pilipinas, kabilang ang PNP at NBI, ay inaatasan ngayon na magsagawa ng mga pag-aresto kaugnay ng mga warrant ng International Criminal Court.

Ito ay kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na tinanggihan ang kahilingan ni Dela Rosa para sa isang temporary restraining order na hahadlang sa mga lokal na awtoridad na kumilos sa mga warrant na may kaugnayan sa ICC nang walang utos ng korte ng Pilipinas.

Si Dela Rosa ay kabilang sa mga personalidad na na-tag bilang co-perpetrators sa kasong crimes against humanity na isinampa laban kay Duterte sa ICC, habang siya ay nagsilbing hepe ng Philippine National Police mula 2016 hanggang 2018. (JOJO SADIWA)