Senador Mark Villar isusulong ang mas mataas na tax exemption ceiling upang mapalaki ang take-home pay ng mga manggagawang Pilipino
Advertisers
Pasay City — Naghain si Senador Mark Villar ng Senate Bill No. 2137, panukalang naglalayong itaas ang taunang income tax exemption ceiling mula P250,000 tungo sa P360,000 upang mabigyan ng karagdagang ginhawa ang mga manggagawang Pilipino at kanilang pamilya sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga indibidwal na kumikita ng hanggang P360,000 kada taon ay exempted sa pagbabayad ng income tax. Layunin nitong mapalaki ang take-home pay ng mga low- at middle-income earners upang mas magamit para sa pagkain, pamasahe, kuryente, edukasyon, kalusugan, at iba pang pangunahing pangangailangan. Nakapaloob din sa panukala ang pag-aayos ng graduated income tax brackets upang mas umayon ito sa kasalukuyang kalagayang pang-ekonomiya at epekto ng inflation.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), inaasahang aabot sa 3.6 porsyento ang inflation ngayong taon, mas mataas sa 3.0 porsyentong target ng pamahalaan. Samantala, ayon sa nakakabahalang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay maaring magpatuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, langis, kuryente, pamasahe, at iba pang pangunahing bilihin, na lalong nagpapababa sa purchasing power ng mga pamilyang Pilipino.
Ayon kay Senador Villar, hindi na naaayon sa kasalukuyang kalagayang pangkabuhayan ang umiiral na income tax exemption threshold, lalo na’t patuloy na nahihirapan ang maraming manggagawa na pagkasyahin ang kanilang kinikita para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.