Advertisers
BUHAY na buhay at tumatabo na naman ng milyones ang mga operator ng smuggling, buriki/paihi sa Batangas City, bayan ng Tuy at Ibaan kung saan tila moog na di matibag-tibag ang kuta nina alyas Medic, Egay, alyas Balita at alyas Bunny aka Sgt. Mercado.

Bukod sa nababakurang kuta sa tapat ng Integrated School, sa Brgy. Banaba West, Batangas City, ay mayroon ding “lungga” ang talunang pulitiko ng Marikina City na si alyas Medic, malapit sa Guinhawa Elementary School, Brgy. Guinhawa sa bayan ni Tuy Mayor Jose Jecerell Cerrado.
Kasosyo ni alyas Medic sina Egay, alyas LtCol. JJ Cruz at Allan. Lantaran at patuloy na nakakapag-panakaw ng malalaking kantidad ng krudo, gasolina at gas sa Batangas City at Tuy ang grupo nina Medic at Egay sa udyok ng mga “kapustahan” o mga police tong collector na sina alyas Sgt. Adlawan at Magsino na siniguradong nakatimbre na ang lahat na burikian/paihian na nakapwesto sa CALABARZON sa mga tanggapan ng PNP Region 4, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit, CIDG Provincial Offices at ilang mga police chief.
Nagmumukha tuloy “kenkoy o payaso” sina City Police Chief LtCol. Ira Morello, Tuy Municipal Police Chief Major Roy Cuevas at Ibaan Police Chief Maj. John Leo Cusay.
Ang drug pusher na si Allan ang tagahatid ng weekly intelhencia kina alyas Sgt. Adlawan at Magsino, suma total nakaka harbat sina alyas Sgt Adlawan at Magsino ng lingguhang Php 600k kina alyas Medic at Egay.
Ipingyayabang ni Allan sa mga “kabagang” na pulis at government official na “pasok” din sa kanila sa Php 300k ang ilang opisyales ng local Department of Education (DepEd) kaya tameme sa pagtatayo nila ng kuta malapit sa mga eskwelahan.
Super lakas-kalabaw naman yata nina LtCol. Morello, Maj. Cuevas at Maj. Cuasay kay PNP Region 4A Director BGen. Hansel Marantan, sa tinagal-tagal na ng operasyon nina alyas Medic at Egay ay hinding-hindi magiba at kapit-tuko pa rin itong tatlong opisyal sa kanilang pwesto?
Na-raid ng mga operatiba ng PNP Region 4A Police Office na noon ay nasa ilalim pa ni BGen. Paul Kenneth Lucas ang santuaryo nina Medic at Egay sa Brgy. Banaba West, Batangas City.
Nadakip sa raid ang ilang tauhannila at nakumpiska ang dalawang tanker truck, milyones na halaga ng nakaw na petroleum product at mga kagamitan sa kanilang buriki/paihi operation. Ngunit napaulat na nagkaroon ng cash-unduan sa pagitan ng raiding team at sina alyas Medic at Egay.
Ngunit nakapagtataka at naka-pagdududa na kung kailan napa pwesto si BGen. Marantan ay biglang nabuhay ang naghihingalong buriki/operation nina alyas Medic at Egay?
Nakapagbukas ding muli ng kanilang paihian si alyas Balita sa Brgy. Simlong, Batangas City. Bukod sa pagpapanakaw ng petroleum product sa mga tanker at capsule truck ay nagpaparating din ito ng barko-barkong smuggled na petrolyo mula sa Malaysia at China sa kanilang kuta na kadikit ng Red Sun Beach Resort sa naturang barangay.
Lalo ding sumigla ang operasyon ng pasingaw ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ng isang alyas Bunny aka Sgt. Mercado sa bayan ni Ibaan Mayor Jane Casas. Naging talamak din ang cigarette smuggling sa lalawigan ni Batangas Gov. Vilma Santos- Recto.
Hindi lang si Batangas PNP Provincial Director Col. Oliver B. Ebora, ang pumapangit ang imahe sa muling pagsikad ng smuggling at paihi/ buriki sa Batangas at iba pang panig ng CALABARZON, kundi maging si BGen. Marantan, mga local official, pati na ang ilang opisyales ng DepEd at barangay leaders? May karugtong.
***
Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144