Advertisers
NAKATAKDANG sampahan ng kasong ‘obstruction of justice’ ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si Senador Robinhood Padilla kaugnay ng pagtakas niya kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa habang nasa kostudya ng Senado noong Mayo 14 ng madaling araw.
Si Bato ay mayroong arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) sa pagiging co-perpetrators ni dating Pangulo Rody Duterte sa kasong ‘crimes against humanity’.
Si Duterte ay naaresto ng International Police (Interpol) last year at nakakulong ngayon sa The Hague, Netherands kungsaan nakabase ang ICC. Magsisimula ang trial kay Duterte sa Nobyembre 30, ayon sa huling ulat.
Aarestuhin na sana ng National Bureau of Investigation (NBI) si Bato noong Mayo 11 nang pumasok ito sa Senado matapos ang halos walong buwan nang pagtatago mula Oktubre 2025, pero pinigilan ito ng bagong liderato ng Senado under Alan Peter Cayetano at isinailalim sa kostudya ang Senador.
Pero tumakas si Bato madaling araw ng Mayo 14 sa tulong ni Padilla.
Inamin ni Padilla na isinakay niya si Bato palabas ng Senado. Ibinaba raw niya ito sa Makati City, at hindi na niya alam kung saan ito nagtungo.
Ayon sa beteranong mamamahayag na si Ramon Tulfo dinala ni Padilla si Bato sa Manila Yacth Club. Mula rito ay sumakay ng yate ang puganteng senador patungo ng Batangas, kungsaan naman naghihintay ang helikopter na magdadala kay Bato sa Mindanao.
Sa pagtakas ni Padilla kay Bato, nahaharap siya sa kasong ‘Obstruction of justice’. Ang kasong ito ay may parusang apat (4) hanggang anim (6) na taon na pagkabilanggo at multa na P1,000 hanggang P6,000. Kapag ang offender ay isang public official, ito’y nahaharap sa perpetrual disqualification sa paghawak sa puwesto sa gobierno.
Ibig sabihin nito, mga pare’t mare, kapag lumabas na ‘guillty’ si Padilla sa pagtakas kay Bato, siya’y masisibak sa pagka-senador at hindi na puede kumandidato pa o magtrabaho kahit barangay tanod sa gobierno. Araguy!!!
Hindi ako abogado, pero sa pagkakaintindi ko sa ginawa ni Padilla sa pagtakas kay Bato, ‘guilty’ siya.
Say n’yo mga pare’t mare?
***
Kinumpirma ni Ombudsman “Boying” Remulla na siyam hanggang sampung senador ang kasalukuyan nilang iniim bestigahan, kungsaan ang apat sa mga ito ay nakatakda nang sampahan ng Plunder ilang araw mula ngayon.
Ang apat ay sina Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, Chiz Escudero at Rodante Marcoleta.
Actually, napirmahan na ni Boying ang pagsasampa ng Plunder case laban kay Estrada sa Sandiganbayan. At ilang araw mula ngayon ay malamang maglabas ng arrest warrant ang graft-court.
Sa sunod na linggo, posible isampa narin ang Plunder case vs Villanueva, at sunod sina Escudero at Marcoleta.
Abangan!