Advertisers
Maraming ingay sa social media nitong nakaraang mga linggo tungkol sa kanilang bayarin sa kuryente.., sabagay ayos lang yan at karapatan yan ng mga konsyumer.
Yun nga lang nagulat ako nang makita ko ang isa na namang bagong interview ni DSWD SECRETARY REX GATCHALIAN kung saan dinidiin nya na sinisisi ng MERALCO ang lifeline rate sa pagtaas ng singil.
Kababayad ko nga lang ng bill at nasa harap mismo nito na hindi naman malaki ang bayarin sa lifeline subsidy. Base sa mga balitang nabasa at napanood ko na galing sa mga maaasahang pagkukunan ng impormasyon ay malinaw na hindi sinisisi ng MERALCO ang lifeline subsidy sa pagtaas ng singil.
Mga ka-ARYA.., hindi ko pinagtatanggol ang MERALCO pero malinaw sa kanilang mga pahayag na generation charge ang pinakamalaking bayarin sa electricity bill. Bumaba nga ang singil ng MERALCO ngayong Mayo, pero kumukuda pa rin si SEC. GATCHALIAN sa pagtaas na isinisi daw sa lifeline rate? Okay lang ba siya? Nagbabasa man lang ba siya ng balita.., o puro social media posts lang ang tinitingnan nya?
Nakita ko ring sinabi mismo ng MERALCO na nasa isang sentimo kada kWh lang ang lifeline subsidy.., kaya walang makabuluhang epekto sa kabuuang bayarin ng mga konsyumer. Hindi lamang iyon kundi aktibo pang hinihikayat ng MERALCO ang mga kwalipikadong kabahayan na mag-enroll sa programa.., kaya bakit naman tinatarget ni GATCHALIAN ang MERALCO?
Sa mismong press conference ni DSWD ASEC. IRENE DUMLAO noong Mayo 7 ay mismong DSWD ang nagsabi na ang ugat ng kalituhan ay isang social media post.., dahil may isang netizen na nagtanong tungkol sa lifeline subsidy at sumagot ang MERALCO page kung ano ito.., kaya nagkaroon ng interpretasyon na lifeline subsidy ang dahilan ng pagtaas. So kaninong interpretaston ba.., sa DSWD mismo? At kung nagkamali man ng intindi ang netizen, hindi ba’t mas nararapat na ang isang CABINET SECRETARY at ang kanyang ahensya ang manguna sa paglilinaw imbes na makisakay sa maling naratibo at lalo itong palakasin?
Kung sakaling ang layunin talaga ni GATCHALIAN ay ipagtanggol ang Lifeline Rate Program.., e wala siyang mapapala sa pagpapakalat o pagpapalawig ng fake news.., na ang depensa sa isang magandang programa ay hindi ginagawa sa pamamagitan ng maling impormasyon o pag-atake sa MERALCO dahil lang may netizen na nagkamali ng intindi.., o baka naman mali rin ang intindi nya hehehe…?
Ang pagkakaalam ko sa isang CABINET SECRETARY na isang edukado at respetadong public official ay inaasahan ng publiko na magiging boses siya ng katotohanan.., hindi sa pag-iingay. Ika nga ay dapat siyang kasama sa pag-eeducate sa publiko, hindi sa paglikha ng kalituhan.
Kung hindi man ito naiintindihan ni SEC. GATCHALIAN o kung naiintindihan man niya pero pinipili pa ring baluktutin ang usapan.., e ano ang ipinapakita nito tungkol sa kanyang intensyon?
Hindi ba’t may karapatan tayong itanong ang.., ginagamit ba ang isyung ito para sa pogi points? Para sa media mileage? O para magmukhang tagapagtanggol ng mahihirap, kahit mali ang premise?
Malinaw na sa mga mamayan kung para saan ang lifeline subsidy at ang kinekwestyon nila ay hindi kung magkano at sa halip ay ganito.ang kanilang kuwestiyon.., BAKIT KAMI ANG NAGBABAYAD NG PROGRAMA NG PAMAHALAAN PARA SA MGA 4Ps? Iyan ang totoong usapin.
Hindi naman kinukwestyon ng publiko ang Lifeline Program mismo.., ika nga ay walang may problema sa pagtulong sa mahihirap, na ang totoong hinaing ng tao ay ito.., bakit ipinapasa sa middle class ang gastusing dapat gobyerno ang sumasalo? Bakit hindi gobyerno ang direktang umaako sa social subsidy bilang bahagi ng mandato nito?
Kaya kung hindi mo maintindihan kung bakit paulit-ulit na nagpapa-interview itong si GATCHALIAN para ipagdiinang fake news ang MERALCO e dahil ba hindi niya talaga naintindihan ito o gusto nya lang ng airtime para nasa kamalayan siya ng mga botante?
SEC. GATCHALIAN.., hindi bobo ang mga mamamayan.., nakikita nila ang pagkakaiba ng totoong solusyon at political theater. Nakikita nila kapag may opisyal na mas abala sa pagkuha ng headline kaysa sa pag-aayos ng problema. Mas kailangan ng publiko ang liwanag kaysa ingay.., at sa pagkakataong ito:y piliin nawa ng mga lider natin kung ano ang talagang makatutulong sa mga taong pinaglilingkuran nila at hindi ang kanilang kasikatan!
—000—
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.