Sa Kanyang Real Talk Vlog! Dovie San Andres, Ibinulgar Na Ang Super Greedy Evil Sister; Prince Of Talk Toni Co, Guest Sa “Talk Express” Si Celeb Lawyer Atty. Heidi Caguioa-Marquez
Advertisers
By Peter Ledesma
Sa ilang episodes ng kanyang Real Talk Vlog. Ibinulgar na ng Social Media Personality na si Dovie San Andres ang pangit na karanasan niya sa taong super greedy na pinangalanan niyang ‘Evil Sister’. Kahit sino naman kasi ang lumagay sa sitwasyon ni Dovie, ay magwawala talaga sa galit o sasabog talaga sa galit at muhi. Imagine during her teenager days ay pagdating niya ng Canada ay ginawa na siyang katulong na walang sweldo ng tinawag niyang evil sister. Tapos wala na raw itong ginawa kundi ang siraan siya sa lahat na siya ay isang mentally ill na isang fake news! Nagawa pa nga siyang siraan nito sa kaibigan niyang character actor na si Rez Cortes.
Masamang-masama rin ang loob ni Dovie dito kay evil sister dahil ibinenta nito ang kanilang mga lupain na sinolo nito.ang pinagbentahan na umabot sa 14 million pesos. Lahat ng ito ay ibinunyag ni Dovie sa kanyang Vlog at sinabi nito na pwede nilang kasuhan ng kanyang Ate Amy itong si demonyitang sister. Napaka sobrang gamahan raw talaga nito sa pera panu, kahit gurang(old) na ay may boylet pa na sinusustentuhan. Umutang pa raw si evil sister ng $1000 dahil may sakit raw at pambili ng gamot pero nagdrama lang pala ito. Meaning nagulangan o naisahan si Dovie. Sa ngayon isinasara na ni Dovie ang komunikasyon niya kay evil sister para tahimik.na ang buhsy niya kasama si Sir Alec at mga anak na sina Dean, Duke, at Elrey Binoe.
***
Iba naman sa artista ang guest today ng “Prince Of Talk” na si Toni Co, sa kanyang nagiging popular ng “TALK EXPRESS” sa KDM Studios. Ang magiging panauhin ni Toni ay si Atty. Heidi Caguioa Marquez na isang Celebrity lawyer at pet lovers. Atty. Heidi is Multi Award Winning Celebrity Lawyer and Animal Advocate in Senate and Congress. Tiyak na rating ang episode na ito at maraming dog lovers na magwa-watch at popular ring tulad ni Toni, si Atty. Heidi sa social media. Naging documentary host rin pala ng Hayop sa Kwento.& Aw Talks ang nasabing abogada. She is also the director of Animal Kingdom Foundation..Relate much ang Prince Of Talk sa magiging topic sa Talk Express at dog and cat lovers din siya.
So abangan sila mamaya sa Talk Express ni Atty. Heidi Caguioa. Mapapanood ito sa Facebook Page at Youtube Channel ng KDM Studios also in Cignal TV every Saturday at 5:00 PM.