Advertisers

Advertisers

Shab lab nadiskbre sa Mindoro

0 7

Advertisers

NADISKUBRE ng Philippine National Police (PNP) ang isang clandestine drug laboratory sa isang liblib na isla sa Looc, Occidental Mindoro.
Ayon sa PNP, isinagawa ng mga operatiba ng Drug Enforcement Group ang operasyon sa Golo Island 3:00 ng hapon nitong Martes nang makatanggap ng intelligence reports hinggil sa operasyon ng drug laboratory sa lugar.
Sa paunang imbestiga-syon, nakarekober ng mga awtoridad ng ilang kemikal na ginagamit sa paggawa ng iligal na droga.
Gayunman, sinabi ng pulisya na sumasailalim pa sa forensic examination ang mga nakuhang substansiya habang patuloy na bineberi-pika ang pagkakakilanlan ng mga sangkot at lawak ng ope-rasyon.
Nagsimula ang operasyon nang magbigay ng impormasyon ang isang suspek na naunang naaresto sa Batangas hinggil sa pagkakaroon ng drug laboratory sa isla.
Bahagi ang Looc ng Lubang Island group sa hilagang-kanlurang bahagi ng Occidental Mindoro kungsaan limitado ang komunikasyon at kadalasang bangka lamang ang paraan ng transportasyon sa ilang barangay.
Ayon sa PNP, posibleng may paglabag sa Republic Act 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kaugnay ng paggawa ng iligal na droga at operasyon ng clandestine laboratories.
Iniutos narin ni PNP chief General Jose Melencio Nartatez, Jr. ang mas malalim na imbestigasyon upang matukoy at maaresto ang mga nasa likod ng operasyon.