Advertisers

Advertisers

San Antonio Spurs!

0 9

Advertisers

May mga tagahangang malapit sa Dakilang Lumikha ang Spurs ng San Antiono.

Mangyari tagasubaybay nila ang mga madre ng Salesians of St John Bosco.

Mga dalawang dekada na mga fan sila ng team.

Apat na nun ang nanood sa courtside nitong Game 4 nila kontra OKC.

Hindi lang basta nandoon sina sister kundi naka-patong ang black jersey ng Spurs sa mga habito nila.

Bukod diyan ay binindusyunan pa nila ang lumapit sa kanilang player na si Luke Kornet . Isang proud na Katoliko kasi ang isa sa sentro ng koponan.

Sulit ang pagpunta nila sa venue dahil nagwagi sina Victor Wembanyama.

“Isa sa gawain namin ay paggabay sa mga kabataan kaya mahalaga kasama kami sa mga hilig nilang gawin,” wika ni Sister Bernadette Mota, director for admissions ng religious group.

Sa Game 5 ng Western Conference naghost naman ng watch party ang kongresasyon sa laban sa Thunder homecourt. Pero kinapos ang team at natalo.

Wish tuloy ni Ka Berong ay present sa stadium parati ang mga lucky charm nila.

***

Sumigaw ng “foul” si Senate President Alan Peter Cayetano sa mga inaasal daw ng minority sa august chambee.

Kasi kahit majority ang kampo ni Cayetano ay hindi nila magawa sa Upper House. ang mga balakin.

13-11 lang kasi ang hatian at ngayong wala na naman si Sen Ronald de la Rosa ay 12 -11 na lang ang bilangan.

Sa totoo lang maitururing na technical foul naman ang pagboto ni Bato para sa pagpapalit ng liderato dahil nawala na ito muli.Nagtago sa pag-aresto ng mga awtoridad sa kaso niya sa International Criminal Court. Parang nag-field ng ineligible cager sina Alan alyas Pokemon.

***

Nag-astang siga na naman si Alfrancis Chua sa Game 4 ng semis ng ROS at Ginebra.

Kaso nakatagpo siya ng katapat na maangas kay Coach Yeng Guiao.

Pinagaisigawan nitong si Long Hair ang mga reperi. Kung sabagay matagal na niyang ugali yan kasi walang makapigil sa kanya.

Sinita siya tuloy ng mentor ng Elasto Painters. Hayun tinawag siya ni tsekwa ng ulol. Mabuti naawat kundi nagkagulo.

Parehong matapang at emosyonal pag may laban. Pero lamang ng sampo sa yabang ireng si Chua.

Eka ni Pepeng Kirat ay dapat mas magtimpi sa sarili si Alfrancis dahil mataas na opisyal siya ng liga. Yung trabaho sa pagprotekta sa pangkat habang naglalaro ay hayaan na niya sa coach at manedyer.

Sa loob ng Board of Governors ay doon niya da-lhin ang saloobin niya.