Advertisers

Advertisers

Duterte tinalo Davao!

0 14

Advertisers

Paano kung isang Duterte ang dahilan ng pagkaolat ng mga taga-Davao?

Ganyan nga ang nangyari nang dinaig ng Calabarzon Heroes ang Davao Eagles sa kampeonato ng basketball secondary division.

Si Dairick Duterte ng Region IV-A ang nagbida nang daigin nila ang Region XI para maiuwi ang korona sa paborito nating game.

Si Duterte ay 6-footer forward-center na ala Zion Williamson ang built at laro. Tubong Angono, Rizal ang tinanghal na MVP ng torneo.

Bahagi siya ng St John’s Wort Integrated School sa Antipolo na kumatawan sa rehiyon.

Ang kahanga-hangang W nila kontra sa defending champs ay parang fairy tale.

Yung katunggali nila malakas ang line-up, kumpleto sa mga pangangailangan at kampi pa ang crowd.

Pero sa dulo ang kulang sa team support ang lumamang ng malaki sa buzzer.

Nakadagdag ang victory sa ginto na 55 ng Calabarzon upang makamit ang pangalawang puwesto sa katatapos na 2026 Palarong Pambansa.

Naghari ang National Capital Region (90-G, 71-S, 71-B) nang maging over-all champion sa taunang paligsahan na ginanap sa Agusan del Sur.

Sa 2027 ay magiging host naman ang Quezon City na bahagi ng NCR.

***

Todo viral na ang mga madre ng St John Bosco ng San Antonio.

PR coup raw yun para sa Spurs ayon sa isang propesor sa unibersidad.

Napaka-smart nga naman ang nakaisip na bigyan ng importansiya ang mga Sslesian Sisters na dalawang dekada ng mga solid na tagahanga ng squad.

Natural na pangyayari na pinalaki ng tradional at social media.

Nguni’t may paglilinaw si Sr Bernadette Mota sa pagdarasal nila para kina Victor Wembanyama at mga kakampi. “Salamat Lord kapag nagwagi ang koponan nguni’t thank you rin kung nasawi sa game,” paliwanag ni Sr Mota na pinuno ng admissions ng kongregasyon.

Bahagi lang daw ito ng gawain nila. “Prayoridad namin ang mga kabataan at nandoon kami kung saan ang hilig ng marami sa kanila, ” dagdag ng labing anim na taon na sa naturang religious community.

Ang basketball ay isa sa pangunahing sport sa siyudad at mga idolo ng mga bata ang mga star ng prangkisa.

Koneksyon nila sa mga alaga yon.

Sa katunayan may mga madre rin na mahusay sa paglalaro.

Bukod kay Sr Bernadette ay nandoon din sa venue madalas sina Srs Ignacia Carillo, Lourdes Trevino, Valeria Jimenez at Sydney Moss.

Ngayong nagtagumpay ang Spurs sa Western Conference ay pwedeng sabihin matindi ang panalangin ng Salesians Sisters na kilala rin bilang Daughters of Mary Help of Christians.

Ayon kay Sr Mota ay pareho lang dininig ang dasal ng mga tao at nila.

Sabi naman ni Pepeng Kirat ay mainam ding publisidad ang kaganapan para sa Simbahang Katolika na patuloy na umaakit sa mga young adult sa buong Estados Unidos.