Advertisers

Advertisers

982 pampublikong guro tumanggap ng laptops at TV sa Manila LGU

0 5

Advertisers

Nakinabang ang nasa 982 mga guro sa pampublikong paaralan sa pamamahaagi ng laptop at TV ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Pinangunahan nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Chi Atienza ang aktibidad kung saan ang nasabing hakbang ay bahagi ng “One Laptop, One TV, One Classroom” program ng Manila LGU.

Nasa 551 na 55” na smart tv at 982 na laptops ang natanggap ng mga pampublikong guro na malaking tulong para sa kanilang pagtuturo.

Tinanggap ito ng mga guro na pawang mga nagtuturo sa Kindergarten at Grade 1 mula District 1 hanggang District 6.

Sinabi ni Mayor Isko na ang programa ay paraan din para mapataas pa ang antas ng kalidad ng pagtuturo ng mga guro at ang mga eatudyante ng mga ito ang makikinabang.

Bagamat aminado ang alkalde na hindi sapat ang pondo ng lokal na pamahalaan ng Maynila, sinikap nila na matugunan ang pangangailangan sa sektor ng edukasyon na isa sa kanilang mga pangunahing prayoridad. (Jocelyn Domenden)