Advertisers

Advertisers

Next kay Jinggoy… sina Villanueva at …

0 8

Advertisers

NGAYONG naghihimas na ng rehas si Senador Jinggoy Estrada, si Senador Joel Villanueva naman ang inaasahang susunod sa yapak nila ni ex-Sen. Bong Revilla.

Si Jinggoy ay inaresto ng PNP-CIDG Lunes ng hapon, Hunyo 1, sa loob mismo ng Senado.

Tinangka uli ni Senate President Alan Peter Cayetano na pigilan ang pag-aresto kay Jinggoy. Isailalim nalang daw ito sa custody ng Senado. Pero hindi na pumayag si DILG Secretary Jonvic Remulla.

Sinabi ni Jonvic kay Alan: “The last person you put in vcstody has escaped.”

Natameme si Alan.

Si Senador “Bato” Dela Rosa ang taong tinutukoy ni Jonvic na nakatakas sa pag-iingat ni Cayetano noong Mayo 14.

Si Jinggoy ang ikalawang senador na nakulong dahil sa multi-million kickback sa ghost flood control project sa Bulacan.

Ang unang nakulong ay si Revilla, na naging ka-kosa rin niya (Jinggoy) sa PDAF scam noong termino ni late President Noynoy Aquino.

At ang ikatlo na malamang hihimas ng rehas ay itong si Villanueva.

Oo! Sabi ni Ombudsman “Boying” Remulla, hinog na ang pagsasampa ng kasong ng plunder para kay Villanueva. Posible raw next week. Araguy!!!

Hindi narin bago si Villanueva sa kaso ng katiwalian. Noong kinatawan siya ng CIBAC partylist sa Kamara, nahatulan siya ng Ombudsman ng ‘perpetual disqualification’ sa pagpadaloy ng kanyang pork barrel sa pekeng foundation.

Pero nang lumabas ang hatol ng Ombudsman ay isa nang senador si Villanueva, at hindi tinanggap ng pamunuan ng Senado noon ang hatol ni noo’y Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa pastor ng Jesus Is Lord (JIL).

At nalaman lamang na binaligtad ng sumunod na Ombudsman, si Samuel Martirez, ang hatol kay Villanueva.

Nilinis ni DDS Martirez ang kasong katiwalian ni Villanueva.

Dito kay Ombudsman Boying, mukhang wala nang kawala si Villanueva. Maghihimas siya ng malamig na rehas tulad nina Bong at Jinggoy.

At may isa pang playboy senator na posibleng maging kakosa nila, si Chiz Escudero. Nasa proseso na ng imbestigasyon ang mga akusasyon laban sa mister ni Heart.

Pare-pareho ang kaso nilang apat, kickback sa flood control projects. Mga project na natuklasang multo!

Mismong ang mga dating opisyal ng public works ang nagbunyag ng pagkuha ng kickback ng naturang mga senador.

Ang mga naturang dating opisyal ng DPWH ang mga tumatayong state witness ngayon sa multi-billion peso flood control anomaly.

Si Pangulong “Bongbong” Marcos ang nagpaimbestiga sa flood control scandal matapos matuklasang bilyones nang pondo ang pinadaloy sa flood control projects pero malawakan parin ang pagbaha sa Bulacan. Yun pala ay walang itinayong panangga sa baha. Sa bulsa pala ng mga animal na opisyal dumaloy ang pondo, kasabwat ang mga mambabatas. Fuck!