Advertisers
Tuluyan nang inaresto si Senador Jinggoy Estrada ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) base sa warrant of arrest na ipinalabas ng Sandiganbayan 5th Division sa kasong plunder kaugnay ng flood control projects.
Dumating ang court server ng Sandiganbayan pasado alas tres ng hapon kasama ang ilang pulisya na diretsong nagtungo sa tanggapan ni Estrada sa Senado upang isinilbi ang warrant of arrest.
Hindi pumalag si Estrada at kusang tinanggap ang warrant of arrest saka nagsagawa ng press conference hinggi sa pagdakip
Sa kanyang press conference, nananatiling nandigan si Estrada na walang katotohanan ang paratang ng ilang da-ting opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Aniya, hindi siya hihingi ng Senate custody sa liderato ni Senate President Alan Peter Cayetano tulad nang ibinigay kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na tinutugis ngayon ng pulisya base sa warrant of arrest na ipinalabas naman ng International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity sa drug war.
“Hindi ako papasailalim sa kustodiya ng Senado. I will not seek Senate custody,” sabi ni Estrada.
“Hindi ko gagamitin ang Senado bilang panangga laban sa mga alegasyon sa akin. Nakahanda akong ipagtanggol ang aking sarili sa hukuman at hindi ako magtatago sa likod ng institusyong ito upang umiwas sa proseso,” dagdag niya.
Matatandaan na pangatlong beses nang nakulong si Estrada sa kasong korapsiyon, Una noong 2001 sa isyu ng ill-gotten wealth mula sa operasyon ng jueteng at tobacco excise tax.
Pangalawa noong 2014 sa kasong pork barrel scam na pinalaya naman ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang maupo noong 2016 na ngayon nakakulong sa ICC sa kasong crimes against humanity.
Sinabi ni Estrada na inatasan niya ang Senate Secretary na pansamantalang ipatigil ang kanyang suweldo, at sinabing personal niyang pasya ito upang ipakita na wala siyang intensyong makinabang sa pondo ng bayan habang nililinis ang kanyang pangalan.
“Personal kong pasya ito upang ipakita sa sambayanang Pilipino na wala akong inten-syon makinabang sa pondo ng bayan habang nililinis ko ang aking pangalan,” sabi niya.
Sinabi rin ng senador na mananatili siya sa majority bloc sa ilalim ni Senate President Alan Peter Cayetano sa kabila ng tinukoy niyang panggigipit, pananakot at political maneuvering.
“I will remain firmly with the majority bloc under the leadership of Senate President Alan Peter Cayetano. Di ako matitinag sa anumang pangigipit, pananakot, political maneuvering para talikuran ang aking paninindigan,” sabi ni Estrada.
“I will not be pressured into surrendering my independence or judgment,” dagdag niya.
Sinabi ni Estrada na ipagtatanggol niya ang kanyang sarili “hanggang sa huli” upang patunayan na walang batayan ang mga paratang laban sa kanya.
Inihayag din niya na ilang ulit siyang inalok na talikuran ang independent majority bloc kapalit ng pagbabasura sakanyang kaso, ngunit hindi niya tinukoy kung sino umano ang gumawa ng mga alok.
“Maraming beses ako inalok na talikuran ang independent majority bloc kapalit ang pagbabasura sa aking kaso,” sabi ni Estrada.
Sinabi niyang tumanggi siya at piniling manatili sa hanay ng kanyang mga kasamahan sa mayorya.
“I stand my ground,” sabi ni Estrada.
Binanggit din ni Estrada ang impormasyon na ayon sa kanya ay kinilala ni dating Blue Ribbon chairperson Senador Panfilo “Ping” Lacson bilang maha-lagang ebidensyang sumasalu-ngat sa mga alegasyon laban sa kanya.
“Wala akong kinalaman di-yan,” giit ng senador.
Giit ni Estrada, dapat manatiling malaya ang Senado sa external pressure, political coercion at undue influence.
“It must remain free from political coercion, free from undue influence, and free from any scheme designed to weaken its constitutional role as a co-equal and independent branch of government,” aniya.
“I am prepared to face the consequences, however difficult they may be, especially for my family. I will not be broken by accusations, nor will I yield to political pressure,” dagdag niya.
Sinabi ni Estrada na hahara-pin niya ang mga paratang, ipag-tatanggol ang kanyang dangal sa pamamagitan ng due process at magtitiwala sa katotohanan.
“I will meet these charges head-on, defend my honor through due process, and place my faith in the truth,” aniya.(Photo by Cesar Morales)