Advertisers
NAGLABAS ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kay suspendidong Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca at tatlo pang indibidwal, kabilang ang tiyuhin at isang staff ni Senador Robin Padilla.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag nitong Lunes, bahagi ito ng nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay ng pag-alis ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado noong Mayo 14, ilang oras matapos ang insidente ng putukan sa loob ng gusali.
Kabilang sa mga ipinatawag ng NBI sina Virgilio Carino, tiyuhin ni Padilla; Jean Robles, deputy chief of staff ng senador; at Pasay City Police chief Colonel Joselito De Sesto.
Inaasahan ng NBI na haharap ang mga naturang indibidwal sa ahensya ngayong linggo.