Advertisers

Advertisers

Trillanes handa batukan si Marcoleta, at dapat suspendihin si Jinggoy

0 61

Advertisers

CALL si dating Senador Antonio Trillanes sa ipinangangalandakan ni Senador Rodante Marcoleta na ipapatawag niya ang una sa Senado para imbestigahan ang pagwagayway nito ng ICC arrest warrant laban kay Sen. Bato dela Rosa.
“Hindi naman ako natatakot ipatawag. Pupunta ako. Sinabi ni Bato na samahan ko ang ICC sa pag-aresto sa kanya. Kung sabihin ni Marcoleta na batukan ko siya, babatukan ko siya,” seryosong sagot ng dating renegade Navy Captain bago napasok sa politika.
Reaksyon ito ni Trillanes sa inanunsyo ni Marcoleta nitong Mayo 30, 2026 na: “Patatawag ko si Trillanes na nagwagayway doon ng warrant of arrest, ‘dun kailangan maimbestgahan ‘yan.”
Call si Trillanes sa sinabing ito ni Marcoleta.
Pero duda ako na ituloy pa ni Marcoleta ang pagpatawag kay Trillanes sa naging sagot na ito ng huli. Naninindak lang ‘yan eh, parang si Digong lang na ‘pag tinanggap ang hamon ay umaayaw! Hehehe…
***
Si Trillanes ang taong hindi natatakot sa kahit anong hamon. At siya ang bukod tanging personalidad na nakapagpakulong ng dalawang dating presidente (Gloria M. Arroyo at Digong Duterte, nagpabigti sa dating AFP Chief (Angelo Reyes), at nakapagbunyag ng maraming katiwalian sa gobierno.
Maraming beses tinangka ni Digong ipakulong si Trillanes sa pamamagitan ng pagtahi-tahi ng mga kaso, pero ‘di natagumpay.
Wala naman talaga kasing katiwalian si “Trililing”. Peks man!
Kaya sure ako, aatras si Marcoleta sa pagpatawag kay Trillanes sa Senado. Pustahan!!!
    ***
Dapat suspendihin si Senador Jinggoy Estrada sa Senado, ayon narin sa underground Section 5 ng Anti-Plunder Law upang protektahan  ang gobiyerno habang pending ang kaso, ayon sa isang abogado, Atty. C. Ybanez.
Ayon sa abogado, kung ang alegasyon ay pagnanakaw ng pondo ng bayan, hindi dapat manatili sa puwesto ang opisyal na may access sa mga rekord at sa pondo.
Kapag nasuspinde na, hindi na ito makakaupo sa Senado. Hindi siya makakaboto. Hindi siya makakasali sa deliberations. Hind siya bibilangin sa quorum.
Ibig sabihin ay magiging ordinaryong mamamayan nalang si Jinggoy.
Ang plunder case ni Jinggoy, ayon sa abogado, ay naisampa na sa Sandiganbayan kaya dapat maisakatuparan ang hinihingi ng Section 5 ng Anti-Plunder Law agad agad.
Tama si Atty. Ybanez.
Suspendihin na si Jinggay!!!
***
Hinog na raw ang plunder case laban kay Sen. Joel Villanueva. Nakatakda narin itong isampa sa Sandiganbayan.
Karma is coming…