Advertisers

Advertisers

TIANGGE SA SENADO

0 3

Advertisers

Para bang Isang palengke o’ tianggehan ang SENADO kung saan lumalabas na ang mga palengkera ay ang mga mismong Senador.

Lubhang maingay at magulo sa loob mismo ng kanilang session hall dahil sa walang katapusang paliwanagan, diskusyon at argumento,palengke talagang ang dating.

Walang kamatayan eskrimahan ng laway ang bawat Senador na tila galit sa mikropono dahil halos ayaw na nitong ipasa sa iba.

Kumbaga sa Videoke ay malaki ang galit sa mike ng mga ito na ayaw ng bigyan ng pagka-kataon na kumanta ang kapuwa nila.

Lumalabas na ang kanilang pinagbibiling kalakal ay kapuwa rin nila Senador na kanilang nilulubog o di kaya’y pinaglalaban.

Kanya-kanyang GRUPO ang mga ito ng kanilang tinatangkilik at pinapakitaan ng karapatan.

Ito ay ang mga pabor sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong BBM samantalang ang Isang paksiyon naman ay naniniwala pa rin kay dating Pangulong Digong Duterte.

Kanya-kanya itong hatak ng mga miron sa pamamagitan ng kanilang bokilya at paliwanag.

Siyempre kailangan mo nga namang makumbinsi at mapaniwala ang publiko upang pumsnig at maging kakampi.

Talagang parang palengke na kung saan kailangan mong mapukaw ang kalooban ng mga mamimili.

Hangga’t maaari ay need mong ipagpilitan sa kanila na maniwala at tangkilikin ang iyong produktong pinaglalaban.

Sabi nga ng mga eksperto, mahalaga sa labanang ito na ikaw ay maging manipulador at sinungaling na DALAWA sa mahalagang potensiyal ng Isang politiko.

Para ring Isang tio vivo o ferris wheel sa KARNIBAL na KAILANGAN paikutin at hiluhin upang madaling lasunin ang isipan at emosyon.

Ganito nilalarawan ngayon ang kaganapan sa SENADO na kung saan kailangan talagang malakas ang iyong convincing power at sales talk.

Ayos lang sana ang mga argumento, diskusyon at paliwanagan dangan nga lang ay talagang hindi sila magkakaintindihan dahil iisa lang ang kanilang kulay ngunit iba-iba lang ang ginagawang istilo at sistemang pinapalabas.

Hindi talagang sila magkakaunawaan dahil may kasabihan tayong mga Pinoy na “ang magna-nakaw ay galit sa kapuwa magna-nakaw”.

Sayang lang ang oras at abalang ginagawa niyo, ang walang kamatayan niyong eskrimahan ng laway na hanggang sa kasalukuyan ay laway pa rin.

Ewan natin kung may naresolba ng isyu na inyong tina-talakay… action speaks louder than words….