SOLID BLOC 11: Hindi ito Kasarinlan ng Senado kundi Pagtalikod sa Tungkulin
Advertisers
“Ang Senado ay hindi pag-aari ng iisang may hawak ng maso. Institusyon ito ng taumbayan, at napakaraming mahahalagang panukala ang nabibinbin dahil sa dramang nilikha ng mayorya. Ito ay isang boycott dahil sa pag-aresto kay Senador Jinggoy Estrada, at hindi dapat malinlang ang publiko ng isa na namang maginhawang paliwanag mula sa isang pamunuang paulit-ulit nang binabaluktot ang katotohanan.”
Sa isang joint statement ng minority Senators o Solid Bloc (SB) 11, sinabi nila na ang araw ng Lunes na kinatampukan ng pagkakaaresto kay Estrada ay isang hakbang tungo sa pananagutan sa isang kontrobersiyang matagal nang hinihingan ng aksyon ng taumbayan.
Anila, matapos ang maraming taong pagtatanong kung bakit tila walang nangyayari sa mga imbestigasyon kaugnay ng flood control projects, hindi katanggap-tanggap na bigla na lamang ituring na pag-atake sa Senado ang pagpapatupad ng batas.
“Tawagin natin ito sa tunay nitong pangalan: mali ang sabihing tungkol ito sa kasarinlan ng Senado. Ang nangyari ngayon ay tungkol sa pagpapairal ng batas, pananagutan sa publiko, at isang lehitimong proseso sa Ombudsman at Sandiganbayan na hindi kontrolado ng sinumang senador, bloke, o namumunong opisyal ng Senado,” dagdag pa ng SB 11.
“Kinukuwestiyon ba ngayon ni Senate President Alan Cayetano ang paghahari ng batas?
Sa totoo lang, ang gusto nila ay kampihan, hindi prinsipyo. Gusto nilang sumama kami sa boycott, patahimikin ang Senado, at gamitin ang minorya upang manatili sa puwesto ang Senate President habang iniiwasan ang tunay na pagsubok ng bilang sa sesyon,” ayon pa sa minorya.
Binanggit pa nila na dumalo ngayong Lunes ang mga senador ng Solid Bloc 11 minority sa muling pagbubukas ng sesyon alas-5 ng hapon at handang talakayin ang Magna Carta para sa mga Barangay Health Worker, ang Anti-Hospital Detention Bill, ang kumpirmasyon ng mga heneral sa Commission on Appointments at ang mga panukalang magkakaloob ng pagkamamamayang Pilipino kina Bennie Boatwright III at Matthew James Ramos.
“Ngunit hindi sumipot ang mayorya. Hindi nila sinunod ang mga alituntunin, at ni hindi man lamang nila ipinagkaloob sa minorya ang simpleng paggalang na ipabatid na wala silang balak na magpatawag ng sesyon,” pagbatikos pa nila.
Pagtuunan natin ng pansin ang ating trabaho, dahil maraming mahahalagang usapin ang dapat tugunan ng Senado. Kung nais ng mayorya na magprotesta, magbigay ng privilege speech, o ipagtanggol ang kanilang posisyon, ang tamang lugar para gawin iyon ay sa sesyon mismo—hindi sa pamamagitan ng pagpapatigil sa gawain ng kapulungan.
Tawagin natin ito sa tunay nitong pangalan: mali ang sabihing tungkol ito sa kasarinlan ng Senado. Ang nangyari ngayon ay tungkol sa pagpapairal ng batas, pananagutan sa publiko, at isang lehitimong proseso sa Ombudsman at Sandiganbayan na hindi kontrolado ng sinumang senador, bloke, o namumunong opisyal ng Senado,” dagdag pa ng minority Senators.
Anila, ‘ang araw na ito ay isang hakbang tungo sa pananagutan sa isang kontrobersiyang matagal nang hinihingan ng aksyon ng taumbayan. Matapos ang maraming taong pagtatanong kung bakit tila walang nangyayari sa mga imbestigasyon kaugnay ng flood control projects, hindi katanggap-tanggap na bigla na lamang ituring na pag-atake sa Senado ang pagpapatupad ng batas. Kinukuwestiyon ba ngayon ni Senate President Alan Cayetano ang paghahari ng batas?”
Pahayag pa nila, “Sa totoo lang, ang gusto nila ay kampihan, hindi prinsipyo. Gusto nilang sumama kami sa boycott, patahimikin ang Senado, at gamitin ang minorya upang manatili sa puwesto ang Senate President habang iniiwasan ang tunay na pagsubok ng bilang sa sesyon.”
Binigyang-diin pa ng SB aa na maaaring ito na ang unang pagkakataon sa loob ng maraming dekada na tumigil ang gawain ng Senado dahil mismong ang namumunong opisyal nito ang tumangging gampanan ang kanyang tungkulin.
Kahit umano noong panahon ng malalakas na bagyo at kasagsagan ng pandemya, natigil lamang ang trabaho dahil sa pangangailangan o dahil kinakailangan pang maglatag ng mga sistema—hindi dahil pinili ng pamunuan na talikuran ang kanilang tungkulin.
Anila, may karapatan ang publiko na itanong kung inuulit ngayon ni SP Cayetano ang nangyari noon sa House of Representatives, kung saan umusbong ang mga tanong tungkol sa isang lider na tumangging bumaba sa puwesto, tumangging magpatawag ng sesyon at nagpabalam sa mga proseso nang hindi na tiyak ang kanyang suporta.
“Kasingbigat ng tanong noon ang tanong ngayon: uulitin ba nila ito sa susunod na dalawang araw ng sesyon, at pananatilihin bang walang ginagawa ang Senado para lamang maiwasang harapin ang tunay na bilang ng suporta sa plenaryo?,” pahayag pa ng minority bloc.
Ayon sa kanila, dapat buksan ng Senado ang mga pinto nito, pormal na simulan ang sesyon, at bumalik sa trabaho at anila, walang Facebook post, panawagan sa pagmamalaki sa institusyon, o anumang pampulitikang drama ang makapagpapawalang-bisa sa pangunahing tungkulin ng mga senador na pumasok, sumunod sa batas at maglingkod sa mamamayan.
Sa pagtatapos ng statement, nananawagan ang SB 11 sa sambayanang Pilipino na bantayang mabuti ang Senado, “sapagkat kapag ang isang institusyon ay tumatangging gampanan ang tungkulin nito, ang pagbabantay ng publiko ang nagiging unang linya ng depensa ng taumbayan.” (JERRY S. TAN)