Advertisers

Advertisers

Santo, Santor, Senador!

0 4

Advertisers

Ang tatlong S ang laman ng mga balita ngayon.

Sa Finals ng NBA at PBA ay nagkataon dalawang prangkisa ang ipinangalan sa mga santo. Ito ang San Antonio Spurs na kalaban ang New York at Ginebra San Miguel na katunggali ang Talk N Text.

Yung siyudad ng San Antonio sa Texas ay ipinangalan kay San Antonio de Padua ng mga Español nang dumating sila doon taong 1691. Kapistahan ito mismo ng paring Franciscano mula Portugal

Ang produktong Ginebra San Miguel naman ay hango sa archangel na si San Miguel.

Ang dalawang koponan kaya ang palarin magkampeon ?

Sa Game 1 ay GSM lang sinuwerte kasi inalat ang SAS. Nagwagi ang GinKings sa tira ni Justin Brownlee sa huling mga segundo.Tingnan natin sa mga susunod na laro kung mag-iba ihip ng hangin..

***

Ire namang pangalawang S ay si Patricia Mae Santor ang pinakamaraming natamong ginto sa katatapos na Palarong Pambansa.

Ang 18 a?os mula UST na swimmer ay humakot ng pitong gold – 400m invidual medley, 4x50m medley relay, 50m butterfly, 200m individualy medley, 200m butterfly, 4×100 medley relay at 100 butterfky. Lahat ng kategoryang sinalihan panalo at tatlo pa diyan ay nakamit niya sa pagbasag ng mga rekord sa taunang paligsahan na ginanap ngayong taon sa Agusan del Sur.

“Naging inspirasyon ko sa sport ang aking ate at motibasyon naman ang mga pagsubok ng buhay, ” wika ni Santor na kampeon din sa secondary girls division ng UAAP..

***

Siyempre ang huling S ay hinggil sa mga senador na pinaglalaruan ang taong-bayan.

Pinagbobola tayo lalo na ng nitong si Alan Peter Cayetano na kilala rin na Kaldero sa papel niya sa huling SEA Games na tayo ang host.

Grabe ang mga eksena na akala mo may labanan ng 100m dash at obstacle course. Tapos may gusto pang magoasikat sa target shoiting.

Ang pinakahuli ay ang agawang-buko.

Kanino ba possession?

Sino ba talaga ang may hawak ng beat o baton?

Hoy umayos kayo. Nakakahiya kayo.