Advertisers
ARESTADO ang 8 suspek at nakarekober ng baril kabilang ang mga ninakaw na motorsiklo at cellphone ng mga operatiba ng Eastern Police District (EPD).
Batay sa ulat ni EPD-district director P/BGen. Melecio Buslig Jr, isang 20-anyos ang biktima ng carnapping dakong 2;29 ng madaling araw sa Concepcion Uno Marikina.
Apat (4) umanong suspek nakasuot ng jacket, balaclovas at helmet na sakay Honda Click motorcycle PCX 2025.
Dahil dito, sanib puwersa ang Marikina Anti-carnapping Unit, District-Carnapping Unit at tagumpay na naaresto ang 8 suspek sa loob lamang ng 24 oras.
Narekober sa mga ito ang baril, ninakaw na motorsiklo ng biktima at cellphone.
Ito’y sa pamamagitan umano ng serye ng coordinated police operations na sumasaklaw sa Marikina City, Caloocan City, Taytay, Rizal, Taguig City, at Pasig City.
Sa follow up operation natunton ng mga operatiba ang GPS location positibong itinuro ng biktima ang isa sa mga suspek na sakay ng puting ng Hyundai Stargazer na sasakyan sa bahagi ng Recomville 2, Brgy., 171 Caloocan City.
Bukod sa narekber na 9mm pistol, magazine at mga bala, na kumpiska pa sa mga ito ilang sasakyan na pinaniniwalaang konektado sa illegal na aktibedades ng mga suspek.
Kabilang ang 2 Honda PCX, 1 Honda Click, Yamaha NMAX, Suzuki rider, 1 SUV Hyundai Stargazer at isang Sedan Toyota Vios at iba pa.
Nakuha naman ng mga operatiba ang sasakyan ng biktima sa Lupang Arenda Taytay Rizal at nadakip ang 2 pang suspek kabilang ang isang menor de edad.
Nahaharap ang mga akusado sa kasong paglabag sa RA10883 otherwise kown as the New Anti-carnapping Act 2026 at RA 10591 nakapiit ngayon sa detention cell ng pulisya. (Edwin Moreno)