Advertisers

Advertisers

DPWH Rizal 2nd DEO namahagi ng school supplies may Jollibee pa!

0 8

Advertisers

SAKTO sa araw ng pagbubukas ng klase ngayong araw June 8,2026 ay malaking tulong sa mga estudyante at mga magulang ang isinagawang Balik Eskuwela ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Rizal 2nd District Engineer Office matapos ang pamamahagi ng libreng school supplies.

Bibitbitin na lang ng halos aabot sa 200 estudyante mula Kinder hanggang Grade 6 ang kanilang bag at kagamitan patungong paaralan at hindi na sasakit ang ulo ng mga magulang sa pagintindi sa pagbili ng kagamitan sa pagpasok dahil sa programa ng DPWH Rizal 2nd DEO.

Eto mga Ka Usapang Hauz ilang araw bago ang pasukan para sa school year 2026 – 2027, sinimulan ng ipamahagi ng of DPWH Rizal 2nd DEO sa ilalim ng pamumuno ni District Engineer Juan “Johnny” Panganiban ng mga kagamitan para sa mga estudyante ng Yapak Elementary School sa Lagundi Municipality of Morong, Rizal, nitong nakalipas na June 4, 2026.

Tumanggap na halos aabot sa 200 mag- aaral mula kinder hanggang Grade 6 ang nabiyayaan ng libreng bag at school supplies katulad ng notebook, ballpen, lapis, crayola atbp.

Habang namamahagi ng gamit eskuwela mga Ka Usapang Hauz ang mga opisyal ng Rizal 2nd DEO ng mga kagamitan ay lalong nasiyahan ang mga bata maski ang mga magulang matapos na mamahagi rin produktong Jollibee at bottled water para sa mga bata.

Ang pamamahagi ay kasabay ito ng Brigada Eskwela ngayong taon na may temang “Bayanihan sa paaralan Nagkakaisa para sa kaayusan at kaalaman”.

Kada taon bago pa magbukas ang eskuwela, ang DPWH Rizal 2nd DEO ay pumipili ng paaralan kada taon upang maging recipient ng kanilang isinasagawang pamamahagi ng mga gamit para sa mga batang mag-aaral.

Ayon kay DE Panganiban, ang ipinambili ng mga school supplies ay nalikom mula sa voluntary contribution ng mga empleyado ng 2nd DEO para magsilbing tulong sa kanilang napipiling paaralan na nasa malalayong Sitio. Ang husay mga Ka Usapang Hauz, Sana All!

Nitong nakalipas na taon ang Tanay Elementary School ang siyang nabiyayaan ng libreng school supplies at ngayong ay ang Sitio Yapak Elementay School sa pinakadulong Sitio ng Barangay Lagundi Morong Rizal malapit sa boundary ng Teresa at Antipolo kung saan may kalayuan sa kabayanan.

Nagbigay naman ng maikling pahayag ang bagong talagang Assistant District Engineer ADE OIC Engr. Paul Justine Cunanan, kung saan sinabi nito na ang pag aaral ay hindi nagtatapos sa 4 na sulok ng paaralan.

Sa naging pahayag ni DE Panganiban, sinabi nito na ang mga gamit na kanilang ipinamahagi ay isang simpleng tulong, para sa kinabukasan ng mga bata at sanay magsilbing inspirasyon para magsikap sa pag-aaral, “ang edukasyon ay susi sa tagumpay, magkaroon ng pagkakataon na matuto at magsilbing magandang halimbawa, nagpapaalala sa atin” pahayag pa ng opisyal.

Buong puwersa namang nakilahok sa ginawang pamamahagi ng mga school supplies ang mga section Chief ng Rizal 2nd DEO na kinabibilangan nina Engr. Catherine Tamayo ng Road and Maintenance Section, Engr. Angielyn Lapitan ng Planning and Design Section, Ms. Elenita Manuel ng Administrative Section.

Kabilang pa sa mga section chief na nakibahagi sa programa sina Ms. Ana Fe Batobato ng Finance Section, Engr Buenaventura “Benjie” Amansec Jr ng Construction, Engr. Erickson Micor, Procurement Unit, at Engr. Calilong na siyang hepe ng Quality Assurance Section.

Maging ang mga guro at staff ng paaralan mga Ka Usapang HAUZ ay tumanggap din ng bag at payong pananggalang sa ulan, habang pinagkalooban naman ng certificate of appreciation ang mga opisyal ng DPWH.

Sa maikling mensahe ng school Principal na si Ms. Norelyn Gutierrez pinasalamatan nito ang mga tauhan ng DPWH kung saan abut – abot naman ang kagalakan ang siyang makikita sa mukha ng mga batang mag -aaral at mga magulang sa nakuhang biyaya.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag-email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036