Advertisers

Advertisers

SEN. ERWIN, HUMINGI NG PAUMANHIN SA BUGSO NG EMOSYON, HILING NA MAGTRABAHO NA ANG LAHAT SA SENADO

0 4

Advertisers

HUMINGI ng paumanhin sa publiko si Senador Erwin Tulfo kaugnay ng mga pahayag niya kamakailan laman.

“Nitong mga nakaraang araw, nasaksihan natin ang matinding tensyon at emosyon sa loob ng Senado. Bilang pagkilala sa mataas na institusyong aking kinabibilangan, lubos akong humihingi ng paumanhin sa aking mga kasamahan sa aking mga naging marahas na pahayag ukol sa pagpapaaresto, pagkwelyo at pagbibitbit kay Senador Cayetano palabas ng session or plenary hall,” aniya.

Hindi po ito ang dapat na asal ng isang opisyal lalo na ng isang senador. Ang mga salitang iyon, bagaman hindi nararapat sa harap ng publiko, ay dala ng bugso ng damdamin sa hangarin na huwag nang maantala pa ang trabaho para sa bayan. Gayunpaman, ito ay mali pa rin,” dagdag pa niya

Kaugnay niyan ay muli rin u mano siyang humihingi ng kapatawaran sa ating mga kababayan na, dahil sa mga nagdaang hidwaan, natapos ang sesyon nang hindi umuusad ang mahahalagang batas at nang dahil sa bangayan, naging paralisado ang ating mandato.

“Ang mga Pilipino ang tunay na talo dito. Kaya nananawagan po ako sa aking mga kapwa Senador: Tapusin na ang pagkakawatak-watak. Dahil sa labas ng Senado, ilan sa atin ay magbabarkada, magkumare o magkumpare naman. Kaya, trabaho na lang tayo,” pahayag pa ni Tulfo.

Ang dapat umanong gawin ng Senado ay magbalangkas na ng mga batas, mag-imbestiga sa mga iregularidad nang walang kinatatakutan at unahin ang kapakanan ng bawat Pilipino.

Aniya, ang pagkakaisa ay hindi nangangahulugang pag-atras sa laban at bagkus, ito ay ang pagsasama-sama ng lakas upang protektahan ang sambayanan.

“Sa panahong ito ng pagsubok, itabi natin ang personal na interes. Ipanalo natin ang Pilipino. Magkaisa tayo para sa maibalik ang integridad at tatag ng Senado,” pahayag pa ni Tulfo. (JERRY S. TAN)