Advertisers

Advertisers

Tim Cone pinuri si Stephen Holt

0 7

Advertisers

NARINIG ni Tim Cone coach ng Barangay Ginebra ang ingay sa online tungkol kay Stephen Holt.

Inaasahan na magiging scorer, nahirapan si Holt sa opensa sa unang dalawang laro ng PBA Commissioner’s Cup Finals, dahilan upang siya ay pagtawanan sa social media.

Malayo iyon sa nangyari sa Game 3.

Kaya nang sa wakas ay natagpuan ni Holt ang kanyang ritmo, mabilis na binigyan siya ng credit ni Cone.

“There’s a lot of noise on the internet about him not playing well but he’s been playing great,” Wika ni Cone matapos ang kanilang 116-102 win sa Mall of Asia Arena Linggo. “He’s a lot more than just being a scorer and he impacts winning in so many things that he does.”

“He’s the kind of guy who looks at the game and sees what he needs to contribute.”

Sa panalo na nagbigay sa Gin Kings ng 2-1 series lead, nagtapos si Holt na may 23 puntos–15 nito ay nasa unang quarter habang ang Ginebra ay mabilis na umabante sa 35-16 na pamumuno.

Para sa paghahambing, si Holt ay nakapuntos lamang ng isang punto sa Game 2 at hindi nakapag-iskor sa series opener.

Pakay ng Ginebra ang 3-1 lead sa Miyerkules para sa Game 4 sa parehong venue.