Advertisers

Advertisers

Pinoy vs Noypi sa NBA Finals

0 4

Advertisers

Opo may dalawang cager sa NBA Finals na may dugong Pilipino.

Sila sina Dylan Harper ng San Antonio at Jordan Clarkson ng New York. Proud sila sa dugong kayumanggi na nananalaytay sa kanilang mga dugo.

Si Clarkson ay nakapaglaro na dati para sa Gilas Pilipinas at ibig din mapabilang sa pambansang koponan ni Harper

Ang ina ni Dylan na si Maria Pizarro ay isinilang at lumaki sa Bataan. Naging point guard siya ng University of New Orleans. Ang ama naman na si Ron ay 15 taon na hoopster ng NBA.

Ireng si Clarkson ay may lola sa mother side na mula Bacolor, Pampanga na pangalan ay Marcelina Tullao Kingsolver.

Pero eligible lang sila sa FIBA rule bilang mga naturalized citizen dahil hindi sila nagkaroon ng Philippine passport noong bago mag 16 an?os.

Sa Asian Games ay baka payagan sila bilang lokal depende sa host country.

2-0 ang NY sa serye habang sinusulat natin ang pitak na ito pero posibleng makahabol pa ang Spurs. Gayon pa man kahit sino magwagi sa dulo ay tiyak may masasabing kampeon na tayo sa pinakapopular na liga ng basketball sa mundo.

***

Sino ba mananaig sa dulo ng senado- serye? Team Cayetano ba o Team Gatchalian? Lamang ngayon ang grupo ni Sherwin G sa iskor na 12 – 11. Sino sa palagay ninyo mas mautak sa stategy at mas magaling sa aktuwal na laban sa dalawang pangkat? Tingnan natin ano mangyayari sa susunod na mga oras at araw.

Ayon kay Tata Selo ay maoolat sina Alan PC sa dami ng foul at error.

Kampi rin crowd kina Win.G Hehe.

***

May mga prangkisa sa PBA na 3x na kampeon sa loob ng isang season. Na-sweep nila ang tatlong conference kaya may grand slam sila.

Nagawa ito ng Crispa Redmanuzers ng dalawang ulit (1976 at 1983), San Miguel Beer noong 1989, Alaska noong 1996. Pati San Mig Coffee (Magnolia) mayroon din nito 2013-14.

Sa UAAP may nakasungkit din ng ganito. Naka-3 peat ang FEU, UST at ADMU. Sa katunayan may nahigit pa diyan. Kasi may naka 4-peat tulad ng Growling Tigers at Green Archers. May 5-peat naman ang Blue Eagles, may 6-peat din ang USTe at ang pinakamahaba, ang 7-peat ng Red Warriors.

Sa Senado may isang senador na 3x naging topnotcher sa halalan. Yan si Sen Jovito Salonga noong 1965, 1971 at 1987. Tunay na matinik na abogado at mahusay na mambabatas.

May K talaga.

May isa pang kasapi ng Mataas na Kapulungan na nakatatlong kaso ng plunder. Siya si Jinggoy Estrada noong 2001, 2014 at 2026. Walang kadala-dala.