DWIZ(882 AM Band) Aliw Broadcasting Corporation Mas Todong Lakas Sa Bago Nitong Tunog; Sir Jaac Cabangon Balik Sa Pamamahala Ng Radio Station
Advertisers
By Peter S. Ledesma
Matagal na panahon na hinandle ng aming gwapo at mabait na boss na si Sir Jaac or Jun Cabangon ang Aliw Broadcasting Corporation. At sa ilalim ng kanyang pamamahala noon at gabay ng late Dad na si Ambassador Antonio Cabangon-Chua ay mabilis na nagtagumpay ang DWIZ(882 AM Band) at 97.9 Home Radio sa Mega Manila at mga Provincial.Stations nito.
Ngayon sa muling pagbabalik ni Sir Jaac sa Aliw Broadcasting Corp ay mas lalo pa nilang pinalakas ang signal ng DWIZ na mas pinatodong lakas sa bago nitong tunog. Katuwang ng aming Sir Jaac sa pamamalakad ng ABC ay ang Station Manager ng said Radio Station na si Sir Joel Gorospe na malalim na ang karanasan at kaalaman sa mundo ng broadcasting. At Atty. Macneil Rante na Executive Vice President at General Manager naman.
Samantala nasa DWIZ na ang iconic veteran actress-TV and Radio host na si Ms. Toni Rose Gayda. Mapapakinggan ang kanyang Public Service Program with Angelo Baiño na “TULAY PILIPINO” Lunes hanggang Biyernes, 1:00 PM to 2:00 PM. Ang sikat na komedyante at former basketer na si Benjie Paras at si PBA Hall Famer Ronnie Magsanoc, naman ang inyong mapapakinggan tuwing Sabado, alas kuwatro ng hapon sa “WALANG BOLAHAN”. Si Sir Joel Gorospe, ang inyong makakasama sa “ASINTADO CIENTO POR CIENTO”. Mapapakinggan siya rito Lunes hanggang Biyernes,,6 AM to 8 AM, KARAMBOLA SA DWIZ- Mon-Fri, 8 AM to 10 AM, CHIZMAXX TO THE MAX, hosted by Anton- Mon-Fri 4 PM to 5 PM. At inyo na ring mapapakinggan ang aming bagong-bagong Weekend(every Sat and Sun, 8 PM to 9 PM) na “CHIKA VLOG: ANG VLOG SA RADYO AT TV”. Makakasama ko rito ang aking longtime tandem and friend na si Pete Ampoloquio, Jr a.k.a Teacher Pete. Basta hot na hot na mga Chikang Showbiz at Bold and Daring Blind Item ay maasahan ninyo inyong TITA TULFS at Teacher Pete. Nasa DWIZ na rin ang mga sikat na FM Deejay na sina Papa Jack at Kuya Chico. Bukod sa maririnig ang DWIZ(882 KHZ) sa inyong Transistor Radio. Mapapanood ninyo rin ito sa ALIW TV Channel 23, CIGNAL Channel 23, SULIT Satellite TV Chanel 25 GMA AFFORDA BOX Channel 25, Official YOUTUBE Channel of DWIZ Aliw Broadcasting Corporation & DWIZ 882 FACEBOOK.