Advertisers

Advertisers

Maleta 18 ni Mike panggulo lang sa impeachment ni Sara

0 5

Advertisers

ITONG mga inilalako nina Atty. Levi Baligod, ex-Congressman Mike Defensor at Senator Rodante Marcoleta na “maleta boys”, na mga nagdala kuno ng milyon-milyong pera na nakalagay sa mga maleta sa mga mambabatas at ilang dati at aktibong opisyal ng gobierno, sa tingin ko ay panggulo o panglihis lang sa nakatakdang impeachent trial sa Senado laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.

Oo! Halatang-halata na pawang walang katotohanan, tahi-tahi lang, ang mga impormasyong isinasapubliko ng ‘maleta 18’. Hindi sila makasagot ng diretso kapag tinatanong ng media, si Baligod ang umeeksina.

Ayaw nga nilang humarap sa Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ngayon ni Senador Erwin Tulfo dahil mako-contempt lang daw sila. Hehehe…

Pero nung panandaliang naging Senate President ang DDS Senator na si Alan Cayetano at si Marcoleta ang sub-committee chair ng SBR, humarap ang maleta 18. Kaso si Baligod ang nagsasalita, ang sumasagot sa mga tanong ni Marcoleta. At si Marcoleta narin mismo ang nagpapaliwanag kapag hindi makapagsalita ang mga tinatanong na maleta 18. Tanong nila, sagot nila. Niloloko na nila ang publiko.

Obyus na obyus na lahat ng binubulgar kuno ng maleta 18 ay scripted. Kaya ‘pag nagkamali ng salita ang alin sa tinatanong na maleta 18 ay kaagad sinasalo ni Baligod.

Kung napapansin ninyo, mga pare’t mare, sa pagdinig ng SBR ni Marcoleta kamakailan, ang nagsasalita ay si Baligod sa halip na ang maleta 18. May mas marami pang alam si Baligod kesa 18 maleta delivery men eh. Hehehe…

Sa pakiramdam ko, ang pag-organisa nina Cayetano, Defensor at Marcoleta sa 18 maleta delivery men ay para lamang ilihis ang mga nagbabagang isyu sa pagdinig sa kaso ni dating Pangulo Rody Duterte sa International Criminal Court (ICC), at sa nakatakdang impeachment trial laban kay VP Sara sa Senado, kungsaan siguradong lalabas ang mga dokumentadong impormasyon ng mga naging katiwalian nila.

Ayaw nilang matutukan ito ng publiko dahil tuluyan silang madudurog at malamang mabasura sa 2028 presidential elections. Mismo!

Pero kung ako kay Sara, pipigilan ko nang manggulo pa sa nakatakdang impeachment trial itong mga kaalyado niya. Sabi nga niya, ang lahat ng inaakusa sa kanya ay politika lamang, gawa-gawa lamang ng mga kalaban, so dito sa impeachment trial kung puros hearsay nga ang laman ng impeachment articles laban sa kanya, siguradong malilinis ang kanyang pangalan at madudurog ang mga nag-aakusa sa kanya ng katiwalian. Mismo!

***

Nakikiramay tayo sa mga pamilya ng mga nasawi sa malakas na lindol sa Mindanao partikular sa bahagi ng General Santos City.

Oo nga pala, bakit wala yata tayong naririnig kay Vice President Sara Duterte at sa kanyang mga kapatid na sina Congressman Pulong at Mayor Baste na sumilip manlang sa mga na-lindol nilang kababayan?

Wala raw sina Sara at Pulong, walang makapagsabi kung nasaan ang mga ito.

Si Baste naman biglang lumipad pa-China sa kabila ng pag-iiyakan ng kanyang mga kababayang inilibing ng magnitude 7.8 lindol.

Nung si Leni Robredo ang Bise Presidente, bumaha lang ng konti ay hinahanap agad ng mga DDS si Leni.

Ngayong si Sara ang VP, gumuho na ang Mindanao ay tahimik lang ang mga DDS. Tsk tsk tsk…