Advertisers

Advertisers

Jennica Garcia apektado ang trabaho sa hiwalayan sa tatay ng mga anak

0 5

Advertisers

By Anne Venancio

Sa isang media conference para sa pelikulang Behind The Smile, muling nabuksan ang usapin tungkol sa hiwalayan nina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco matapos tanungin ang cast tungkol sa “kung ano ang nasa likod ng ngiti.”

Ang pelikula, na tumatalakay sa HIV awareness, ay nauwi sa mas personal na diskusyon nang ibahagi ni Jennica ang kanyang karanasan sa pinagdaanang emosyonal na pagsubok matapos ang kanilang paghihiwalay.

Ayon sa aktres, dumaan siya sa mabigat na yugto ng buhay ngunit kinailangan pa ring magtrabaho at humarap sa kamera. Aniya, may mga pagkakataong “wasak ako sa loob pero kailangan kong ngumiti sa trabaho.”

Inamin din niya na naapektuhan ang kanyang pagganap sa ilang eksena sa teleserye noong panahong iyon, dahil minsan ay nadadala siya ng tunay niyang emosyon sa set.

Dahil dito, nagdesisyon si Jennica na sumailalim sa therapy upang matulungan ang sarili na makabawi sa emosyonal na pinagdaraanan. Kinailangan niyang unahin ang paghilom sa kabila ng gastusin.

Ibinahagi rin ng aktres na ngayon ay mas maayos na ang kanilang sitwasyon ni Alwyn bilang co-parents sa kanilang mga anak. Pareho rin umano silang nag-effort na ayusin ang relasyon bago tuluyang maghiwalay.

Giit pa ni Jennica, maingat siya sa kanyang mga pahayag upang hindi makasira sa imahe ng dating asawa.

Sa ngayon ay mas focus umano siya sa kanyang trabaho at pamilya habang patuloy na nagpapagaling mula sa pinagdaanang hiwalayan.