Advertisers
By Anne Venancio
Naglaan ng “me time” ang TV host-actress na si Anne Curtis matapos ang sunod-sunod na trabaho at showbiz commitments.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Anne ang mga larawan mula sa pagbisita niya sa isang luxury boutique kung saan bumili siya ng bagong designer bag at iba pang high-end items bilang gantimpala sa kanyang sipag at trabaho.
Sa caption, pabirong isinulat ni Anne: “Chanel-maxxing because I work my ass off,” na may kasamang emojis na nagpapakita ng good vibes.
Ayon pa sa aktres, hindi lang shopping ang dahilan ng kanyang pagbisita dahil may iba rin siyang personal na lakad, ngunit sinamantala na rin niya ang pagkakataon para i-reward ang sarili.
Umani ng positibong reaksyon ang kanyang post mula sa fans at kaibigan, kabilang si Mond Gutierrez na nagkomento ng suporta at tuwa sa kanyang update.