Advertisers

Advertisers

Pulis inireklamo sa P50k ‘kotong’ para maging pulis

0 5

Advertisers

NAGHAIN ng reklamo ang isang aspiring police officer laban sa isang police corporal na nangikil ng P50,000 kapalit ng pangakong makakapasok sa Philippine National Police.
Ayon sa PNP nitong Miyerkules, nagbigay ng P10,000 cash ang biktima sa pulis na mula sa Negros island.
Nagpadala pa ito ng P40,000 sa pamamagitan ng e-wallet nang alukin ng pulis ng tulong sa kanyang aplikasyon.
Kalaunan, natuklasan ng biktima na walang kapangyarihan ang police corporal na magpasok ng aplikante sa PNP.
Iniulat niya ang insidente sa Bacolod City Police Office matapos umano’y hanapin siya ng pulis sa kanyang tahanan.
Iniutos ni PNP Chief, General Jose Melencio Nartatez Jr., ang masusing imbestigasyon sa kaso. Pinasiyasat din kung may iba pang nabiktima ng kaparehong modus ang pulis.
Muling binigyang-diin ng PNP na walang bayad, backer, o tagapamagitan na kailangan upang makapasok sa hanay ng pulisya dahil ang recruitment ay nakabatay sa merito at tamang proseso. (Mark Obleada)